GMA, humakot ng parangal sa CMMA

MANILA, Philippines — Tumanggap ang GMA Network ng siyam na parangal sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap noong Nob. 20.

Nagwagi ang multi-awarded public affairs program na Kapuso Mo, Jessica Soho bilang Best Public Service Program para sa TV shows.

Tumanggap din ng parangal ang Network sa pamamagitan ng The Voice Generations bilang Best Entertainment Program at Lilet Matias: Attorney-at-Law bilang Best Drama Series/Program.

Nasungkit naman ng weekend program na Agripreneur ang parangal bilang Best Adult Educational/Cultural Program.

Habang ang One Mindanao ng Regional TV at long-running drama anthology na Magpakailanman ay nakatanggap ng Special Citation para sa Best News Program at Best Drama Series/Program.

Sa ilalim naman ng radio category, kinilala ang DZBB Super Serbisyo, Trabaho at Negosyo ng Super Radyo DZBB 594 KHZ, na pinangungunahan nina AVP for Radio News and Operations and Programming Norilyn Temblor at James “Tootie” Aban, bilang Best Business News.

Dalawang parangal naman ang naiuwi ng GMA Integrated News. Ang artikulong A Constitution named Freedom: The interim Charter under Cory Aquino na isinulat nina Llanesca Panti at Hana Bordey ang nanalo bilang Best News Cove­rage sa print category habang ang Wombs for Rent ni Marco Romas ang Best Investigative Report kung saan ang parehong kwento ay pinrod­yus ng GMA News Online.

Ang CMMA, na inorganisa ng Archdiocese of Manila, ay nagbibigay parangal sa mga kontribusyon mula sa radyo, pahayagan, advertising, tele­bisyon, o pelikula na nagpapalaganap sa Filipino at Christian values.

Show comments