Dennis, ka-twin vibes ang Bridgerton actor!
May mga nakapansin nang fans noon pa man na merong resemblance ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa Bridgerton actor na si Jonathan Bailey.
Sa tanong na ano nga raw ba ang pagkakapareho ng Kapuso serye na Maria Clara at Ibarra na pinagbidahan nina Dennis, Barbie Forteza, David Licauco at Julie Anne San Jose, at ng Netflix series na Bridgerton – ito raw ang pagkamukha nina Dennis at Jonathan.
Nag-trending kamakailan ang ipinost ng Netflix na video ni Dennis sa Maria Clara at Ibarra at ni Jonathan sa Bridgerton na may caption na “Same person, different font.”
Wala nga raw duda na may twin vibes ang dalawa at papasa pang kambal.
Sinang-ayunan naman ng fans at sinabing meron tayong Pinoy version ni Anthony Bridgerton na ginaganapan ni Jonathan sa series.
- Latest