Iconic singer Ivy Violan, ngayon lang inamin na anak sa labas

Ivy Violan
STAR/File

Nasa Pilipinas ngayon ang LA-based popular singer-songwriter, performer and occasional actress na si Ivy Violan na nag-migrate sa Amerika nung 2012 para alagaan ang kanyang namayapang ina.

Hindi ikinakaila ni Ivy na hindi naging madali ang pag-adjust sa naging buhay niya sa Amerika lalupa’t sanay siya sa kanyang buhay sa Pilipinas na may katulong sa bahay, may production assistant at may driver pa.

Sa Amerika ay solong katawan siya na pagkalipas ng ilang panahon ay natutunan din naman daw niyang gawin.

Although isa na siyang American citizen at isa nang resident ng Los Angeles, California, USA, hindi nito ikinakaila na hinahanap-hanap pa rin ng kanyang isip ang Pilipinas kung saan siya unang nagsimula at nakilala.

Walang maniniwala na 2-1/2 years old pa lamang si Ivy ay kumakanta na siya at sa edad na 4 ay meron na silang sariling banda, ang The Velboys.

Sa kanyang paglaki ay naging bahagi rin siya ng Royal Flush Band Society at naging lead vocalist ng Sangkatutak Band before going solo. She would perform in various lounges in Metro Manila until she was signed up by Viva Records na siyang nagpadala sa kanya sa iba’t ibang music festivals abroad earning for her as Music Festival Queen.

Ngayong nasa Pilipinas si Ivy, looking forward siya sa iba’t ibang shows and concerts and writing songs na balak niyang i-record and to collaborate with other artists.

Sa aming panayam kay Ivy for our online show, ang TicTALK with Aster Amoyo ay inamin nito na anak umano siya sa labas ng kanyang parents pero malapit siya sa kanyang mga kapatid sa father’s side.

Uninvited, ala great Gatsby ang launching!

Alam mo, Salve A., parang ngayon lamang tayo nakadalo ng isang super bonggang media launch ng isang pelikula na meron pang-The Great Gatsby theme. Ito’y ginanap sa tatlong ballrooms ng Solaire Resort North in Quezon City nung nakaraang Miyerkules ng gabi. Ito’y para sa golden anniversary ng Metro Manila Film Festival, ang horror-thriller-drama movie na Uninvited, isang powerhouse cast na pinangungunahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre mula sa direksyon ni Dan Villegas at joint production ng Mentorque Productions at Project 8 Projects ng couple na sina Direk Dan Villegas at writer-director na si Antoinette Jadaone. Kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz III, Lotlot de Leon, Mylene Dizon, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, Elijah Canlas, Ron Angeles at RK Bagatsing.

Milyones ang ginasta sa grand media launch ng Uninvited na inaasahang isa sa mangunguna (if not the first) sa darating na MMFF na magsisimula on Dec. 25 hanggang Jan. 7, 2025 na susundan ng ikalawang Manila International Film Festival na gaganapin sa Los Angeles, California, USA mula Jan. 28 hanggang Feb. 2, 2025.

The grand event was hosted by Robi Domingo at KaladKaren na Jervi Wrightson na ang gamit ngayon.

Daniel, may pinalit na kay Kathryn?!

Kung si Kathryn Bernardo ay nakapag-move on na sa kanilang breakup ni Daniel Padilla na nakarelasyon niya sa loob ng 11 years, mukhang gayundin ang singer-actor na sinasabing may non-showbiz girlfriend ngayon na unti-unti na niyang nilalantad sa publiko.

Si Daniel ay may bagong action-drama series na mapapanood sa ABS-CBN, ang Incognito kung saan niya co-star si Richard Gutierrez. Bukod dito ay meron din siyang pelikula with his close friend na si Zanjoe Marudo na pinamahalaan ni Dan Villegas, ang Nang Mapagod si Kamatayan.

Show comments