^

Pang Movies

Pero nagpakilig sa bulaklak...Kris nakalabas na sa hospital, na-stress sa COVID ni Joshua!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero nagpakilig sa bulaklak...Kris nakalabas na sa hospital, na-stress sa COVID ni Joshua!

Gumaan na ang loob ni Kris Aquino, nagpapasalamat din matapos gumaling ang anak na si Josh mula sa COVID-19.

Ibinunyag nga ni Kris na kamakailan ay dumaan siya sa “stressful time” matapos muling magpositibo sa COVID-19 ang kanyang panganay na anak na si Josh.

Nagsalita ang Queen of All Media tungkol sa pinagdaanang sakit ng kanyang anak habang ipinakita ang isang bouquet ng bulaklak na ibinigay sa kanya ng hindi kilalang nagpadala, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories noong Martes, Nob. 19.

“I was no longer in the hospital but this was left for me…Nurse Elle was sent the picture by her former co-nurses. Whoever you are, THANK YOU. Your thoughtful gesture is much appreciated during a stressful time.

“(Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed---we were all freaked that I could also have Covid). Kuya is now PCR negative. THANK YOU Jane & nurse Mary for isolating and caring for kuya!”

Gayunpaman, sinabi ni Kris na si Josh‚ na nagkaroon din ng COVID-19 noong 2022, ay nag-negatibo na sa virus. Nagpasalamat din siya sa mga nag-aalaga sa kanyang panganay.

Gayunpaman, hindi agad nalaman kung nakuha rin ni Bimby ang virus matapos ma-expose sa kanyang kuya.

Uso pa rin talaga ang COVID, kaya ingat pa rin tayong lahat.

Nauna nang inamin ni Kris na may karelasyon siyang doctor.

Marian, kinaiingitan na sa pangongolekta ng mga mamahaling laruan

Tuloy ang pangongolekta ni Marian Rivera ng trophy.

Pinangalanan siya nang magazine na Esquire Philippines bilang Actress of the Year sa kanilang Man at His Best.

Ito ay para sa productive year ng Kapuso Primetime Queen na nagsimula sa box-office hit at critically-acclaimed Metro Manila Film Festival 2023 movie nilang Rewind ng mister niyang si Dingdong Dantes hanggang sa pagwawagi niya bilang Best Actress para sa kauna-unahan niyang Cinemalaya entry na Balota.

Matatandaan na ang Rewind ang tinanghal na highest-grossing Filipino film of all time nang humakot ito ng P1.2 billion ticket sales gross.

Ang Balota naman, patuloy ang pamamayagpag sa mga sinehan sa ikaapat na linggo.

Ayon sa magazine, ang Man at His Best ang local iteration ng isang global signature event kung saan binibigyang-pugay ang “extraordinary Filipino men and women reshaping society as we know it.”

Samantala, wala na atang makakatalbog sa mga collection ng toy character like Labubu ni Marian. Massive ang mga pinakikita niyang collection nito at ang gaganda. Pricey ang mga ganung laruan kaya ang madalas na nasasabi na lang ng mga nakakakita sa kanyang unboxing ‘sanaol.’

Pero curious ang ibang followers niya dahil ang gaganda ng box ng mga ito, san daw kaya ni Marian dinadala ang mga kahon nun.

Mga madamdaming kwento sa buhay, kinakarir nina Tyang Amy at tita Winnie

Nakakaantig ang mga samu’t saring kwento ng totoong buhay  ng titas of radio na sina Tyang Amy Perez at Tita Winnie Cordero sa kanilang mga public service show sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo.

Si Tyang Amy ay nakatutok sa iba’t ibang karanasan sa buhay pag-ibig, pamilya, kaibigan, karera, at iba pa sa kanyang radio wellness/drama show na  Ako ‘To si Tyang Amy, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3 PM.

Bukod sa mga madadamdaming kwento ng buhay, maghahatid din ito ng mga makabuluhang payo mula sa mga eksperto bilang layunin nitong bigyang halaga ang importansya ng mental health sa kasalukuyang panahon.

“Ang aming public service ay lahat ng may kinalaman sa mental health o tamang pangangalaga sa ating isip, puso, at emosyon. ‘Yung mga pinag­daraanan nating struggles sa araw-araw, tatalakayin natin ‘yan,” ika ni Amy.

Mga nakaaantig na karanasan mula sa mga nangangailangan naman ang tutugunan ni Tita Winnie Cordero sa kanyang programang Tatak: Serbisyo  na umeere rin weekdays, 10:30 ng umaga.

Bukod sa pagkalap ng donasyon para sa mga nangangailangan, layun din ng kanyang programa na magsilbing tulay sa pagsasaayos ng sistema sa pagtulong sa ating mga kababayan.

“Ang gusto kong maging adbokasiya ay ‘yung mapaayos ang sistema sa pagtulong sa ating kapwa. Isa-isa kong nadidiskubre ang mga hinaing ng ating kababayan at ang daming nangangailangan ng tulong mula sa pagpapagamot, financial, at iba pa,” saad ni Winnie na emosyonal pag pinag-uusapan ang mga inilalapit sa kanyang problema ng ating mga kababayan lalo na pag tungkol sa pagpapa-hospital ng mga nasa laylayan ng lipunan.

May hatid ding winning diskarte si Tita Winnie, mula sa budget-friendly recipes, DIY activities at kumikitang kabuhayan sa kanyang programang Win Today tuwing Sabado, 10 AM.

Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official  Facebook at YouTube pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.

Tuloy-tuloy din ang mga progama nitong Radyo 630 Balita ni Robert Mano, Gising Pilipinas at  Teleradyo Serbisyo Balita nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, Kabayan ni Noli de Castro, Balitapatan kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, Tatak: Serbisyo kasama si Winnie Cordero, Headline Ngayon ni Jonathan Magistrado, at iba pa.

HLA naka-P566 milyon na, magdo-donate sa mga binagyo

Patuloy ang box-office success ng Hello, Love, Again. Gumawa ito ng panibagong box-office record matapos kumita ng P131 milyon sa loob ng isang araw noong Sabado (Nob. 16). Sa  kabuuan, kumita na ng P566 milyon sa takilya sa loob ng anim na araw. “We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin parang wala na kaming mahihiling pa,” saad ni Kathryn.

“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” dagdag ni Alden.

At bahagi raw nang kita ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito.

Samantala, nakatakda naman dumalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival kung saan magsisilbing closing film ang Hello, Love, Again.

Saksihan ang pagpapatuloy ng kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Hello, Love, Again na napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with