Bongga, gumawa ng panibagong record ang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos masungkit ang ika-walong pwesto sa US top 10 films.
Matagumpay ang unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures na umani ng $2.4 million (P140,940,000 sa Philippine peso) sa US box-office. Ito ang pinakamalaking kita sa takilya ng isang pelikulang Pilipino sa America. At ang Hello, Love, Again din daw ang may pinakamalakas na theater average o kita kada sinehan na $9,700.
Samantala, sa unang araw ng Hello, Love, Again sa domestic box-office ay kumita ito ng P85 million, ang pinakamalaking first-day grossing local film.
Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng pelikula na umabot sa P245 million ticket sales sa loob ng tatlong araw at nakuha ang pinakamalaking single-day box office para sa local film na nasa P90 million.
Ang pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Sampana ay napapanood sa 1,000 cinemas worldwide kasama ang US, Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, at Saipan. Ipapalabas din ito sa Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, at Hong Kong ngayong buwan.
Sa kasalukuyan ay napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan sa buong mundo ang kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Hello, Love, Again.
Pero sa totoo lang, malaking bagay sa pelikula si Jorross Gamboa.
Ang saya ng mga punchline niya at nasasalo ang ibang mga eksena.
Hindi rin naapektuhan ang pelikula nang bagyong Pepito lalo na noong Linggo na sinabing darating sa Metro Manila ang nasabing bagyo.
In fact, pila ang mga nanonood at punuan sa mga sinehan sa Trinoma and SM North EDSA.
At nakatulong din ang declaration na walang pasok kahapon, Lunes, buong Metro Manila. Kaya ang mga estudyante, nanood ng sine.
Nanggulat...
Kaka-shock ang nangyari sa vocalist ng bandang si Mercy Sunot.
Kinumpirma ng grupo sa kanilang Facebook account na pumanaw na ito sa edad na 48.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.
“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.
Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed.”
Si Mercy Sunot, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Juliet at Ken, ay sumikat sa kanilang matataas na boses habang binibigyang-diin ang emosyon ng bawat letra sa kanilang mga kanta.
Kabilang sa mga sumikat nilang kanta ang Luha, Basang-basa Sa Ulan, Halik, Sinta at marami pang iba.
Ben&Ben members, ikinasal ala-Liza at Ice
Ah kinasal pala ang keyboardist ng Ben&Ben na si Pat Lasaten at bassist ng grupo na si Agnes Reoma.
Mala-Ice Sequerra and Liza Diño.
Ibinahagi ng miyembro ng sikat na grupo (Pat) ang masayang balita sa Instagram kalakip ang mga larawan ng kanilang garden wedding ceremony sa Los Angeles, California.
“I married my best friend. It was a perfect day,” sabi ni Pat sa caption.
“We’re so blessed na mahalin ng ganito ng ating mga pamilya at kaibigan,” sabi nito sa kanyang post sa Instagram.
Ang iba pang miyembro ng Ben&Ben ay naroroon sa kasal, kabilang ang kambal na bokalista na sina Paolo at Miguel Benjamin, drummer na si Jam Villanueva, at mga percussionist na sina Toni Muñoz at Andrew De Paon.
Sharon, na-emo kay Barry
Emosyonal si Sharon Cuneta sa panonood ng concert ng kanyang idolo nung kanyang kabataan, si Barry Manilow.
Aniya sa post :
“When you meet your childhood hero here and are waiting for the email with your photo from his people to come in, then your hero posts your picture on his page!!! Oh. Em. Gee. I love Barry Manilow! And will do so til the day I die!!! @barrymanilowofficial @chetcuneta @louieocampo,” sabi ni Sharon sa kanilang litrato na magkasama.
Nauna na siyang nag-post ng “Me at the Barry Manilow show last night! Singing, dancing, laughing, crying…OMG! @barrymanilowofficial Magical!!!”
Matagumpay ang Dear Heart US and Canada Tour nina Sharon and Gabby Concepcion.
Kim, kopya si Lalisa
Pasabog nga si Kim Chiu sa ASAP last Sunday.
Very Lalisa ng Blackpink.
Lumabas ang kaseksihan ni Kimmy sa kanyang dance number at papasa talagang Victoria Secret model tulad ni Lalisa.
Pero ‘yun nga, pa-sample lang daw ‘yun ni Kim dahil may pasabog siyang project bukod pa sa pelikula nila Paulo Avelino.
Aniya sa kanyang video post : “I’m a need to hear you say it out loud
‘Cause I love it when my name slips out your mouth
Love it when your eyes caress my body (oh-oh)
Right before you lace your kisses on me, ooh
Kiss me under the Paris twilight
Kiss me out on the moonlit floor
Kiss me under the Paris twilight (ah-ah)
So kiss me!
(Posted the short version) Thank you @asapofficial fam from @roses_are_rosie to @lalalalisa_m real quick! My Blink heart is happy! @gforce_official.”
Blackpink fanatic si Kimmy.