^

Pang Movies

Chelsea, papasa sa action movie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Chelsea, papasa sa action movie
Chelsea Manalo

Kung natalo, eh ‘di natalo. Kaloka naman kasi ang iba na hindi matanggap na natalo si Chelsea Manalo.

Dahil ba Manalo ang apelyido niya umasa silang maiiuwi niya ang korona ng Miss Universe na ginawa ng kababayan natin?

Naloloka kasi ako eh ganun sa pageant, laging may talo.

Saka sa totoo lang, parang ang daming kakulay ni Chelsea, nawala ‘yung feature ng isang Pinay.

Ang tingin ko talaga sa kanya African o Ms. Nigeria.  Akin lang ‘yun ha.      Saka ‘di ba may napanalunan siyang ‘korona.’

Hay naku tanggapin na natin ang kapalaran niya. Mag-showbiz na lang siya. Tiyak na pwede siyang leading-lady ng mga action star.

24 Oras, tinutukan sa bagyo

Sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sumubaybay ang maraming Pilipino sa 24 Oras para manatiling updated at handa sa kalamidad.

 Kung sabagay nagsisilbing kaagapay ng mga Kapuso mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang 24 Oras para sa latest news, breaking stories, at malala­king kaganapan mapa-Pinas man o sa ibang panig ng mundo.

Kaya talagang watch ako ng 24 Oras noh para alam ko kung darating ang mga nakapilang bagyo sa ating bayan o kung lumihis na ito sa Metro Manila tulad sa nangyari sa Pepito na tirik ang araw kahapon sa MM pero kanselado ang eskwela.

CHELSEA MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with