Naba-bash ngayon nang bonggang-bongga si Nadine Lustre dahil sa pagpo-promote niya ng isang gambling casino online.
Sa latest Facebook post ng aktres ay makikitang super-promote siya ng isang online casino kaya naman pinutakti siya ng mga bashers na hindi nagustuhan ang page-endorse niya ng sugal.
Ayon sa mga netizen ay dismayado sila kay Nadine at ang iba’y kinantyawan pa siya na hindi raw nakakabayad ng renta sa bahay at iba pang bayarin ang aktres kaya tanggap na lang nang tanggap ng endorsement.
Actually, last September pa inanunsyo na si Nadine ang bagong mukha ng isang online casino pero hanggang ngayon ay talagang hindi pa rin ito matanggap ng kanyang fans.
Narito ang ilan sa mga comment na nabasa namin.
“The bills can’t be that bad.”
“Nadine. Look at me. This is not you.”
“Please lang if you wanted to be a good role model. Artist that inspires people stop endorsing gambling here in the Philippines. You don’t know what negative effects would impact in our society. Nadine this is not you.”
“What a downgrade.”
“So disappointed.”
“I used to like you but you’re promoting online gambling. Damn Nadine what have you done .”
Pero marami rin namang nagtanggol kay Nadine at sinabing kahit pa mag-endorse si Nadine ng sugal ay sariling desisyon pa rin naman ng mga tao kung magsusugal ang mga ito.
Pekeng Chelsea, deactivated na
Nakakaloka na may fake social media account na agad ang first ever Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo.
May gumawa na agad ng fake account niya sa X na nag-post na agad ng statement matapos siyang matalo sa katatapos lang na Miss Universe 2024.
Mabuti na lang at nakarating agad kay Chelsea ang pekeng account na ito kaya kaagad niyang nilinaw bago pa man maniwala ang marami na siya ito.
Makikita nga sa fake account ni Chelsea ang fake statement na “I did my best, but my best wasn’t good enough. Sorry Philippines. But, thank you all for all the love and support. I wouldn’t be here without any of you. Everything happens for a reason. Our time will come, maybe next year…(emojis).”
Sa ngayon ay deactivated na ang nasabing fake account sa X.