Stell, nakanta na ang sinulat ni Mr. C

Natuloy na ang collab ng National Artist na si Ryan Cayabyab at SB 19 member na si Stell.

Ipinarinig ni Stell ang komposisyon ni Mr. C na Di Ko Masabi sa Pinoy Playlist Music Festival sa BGC nitong nakaraang mga araw.

Sa kuwento ng kaibigang si Allan D na nanood ng music festival, si Stell ang finale sa second night ng festival sa additional venue this year sa open air sa 5th Avenue sa BGC.

Siyempre, dumagsa ang A’TIN at ang sariling fans ni Stell na Steellberries.

Super happy si Stell kasi nandun si Maestro Ryan Cayabyab bilang isa sa curators ng PPMF at ito pa ang nag-accompany kay Stell sa keyboards nang kantahin ang Di Ko Masabi para sa solo EP ni Stell.

First time kantahin ni Stell na nandun mismo ang National Artist so kinilig siya at very thankful kay Maestro Ryan.

Napahanga ni Stell si Mr. C nang marinig ang version ng una sa kantang All By Myself sa isang event.

Bokalista ng Aegis, namatay pagkatapos ng operasyon

Nalagasan ng isang mahusay na singer ang local music industry sa pagpanaw ng lead vocalist ng rock band na Aegis, si Mercy Sunot.

Kamakailan ay nag-post si Mercy sa TikTok na humihingi ng dasal para tanggalin ang tubig sa baga na nagkaroon ng inflammation.

Ang kasunod nito ay ang balita sa social media na pumanaw na si Mercy.

Marami-raming big hits ang Aegis na gumawa rin ng malaking pangalan sa mundo ng musika.

Nakikiramay po kami sa naulila niya.

Show comments