Rita, walang mahanap na kakampi?

Rita Daniela

Ang lakas ng victim blaming kay Rita Daniela sa Instagram ng misis ni Archie Alemania na si Gee Canlas. Karamihan, si Rita ang sinisi sa nangyari sa kanila ni Archie, halos pare-pareho rin ang comments na kasalanan ng singer-actress ang kontrobersya sa kanila ni Archie.

May nag-comment tuloy na parang trolls ang mga nag-comment dahil pare-pareho ang sinasabi laban kay Rita. Hindi raw dapat pagkatiwalaan si Rita, na iba ang ugali nito, na kaya walang showbiz friends dahil sa ugali. Na siya ang lumapit kay Archie at dapat hindi na siya sumakay sa SUV nito kung sa party pa lang ay kung anu-ano na ang sinasabi ni Archie sa kanya.

The next time na binisita namin ang IG ni Gee, wala na ang mala-trolls comment, deleted na siya.

Kung sino ang nasa likod ng mga comment laban kay Rita, hindi natin alam.

Ang naiwan na lang ay mga comment na nagpahayag ng suporta kay Gee at kay Archie, pero parang mga bagong gawa rin dahil zero followers at one post pa lang. Pare-pareho rin ang comment na “virtual hugs” “stay strong,” at “mahigpit na yakap.”

May post din si Gee na “All will be answered in due time” at marami na ang nag-aabang sa “due time” na ito.

Pamilya ni Mercy, dinagsa ng pakikiramay

Nabasa pa namin ang FB post ni Mercy Sunot habang nakahiga sa hospital bed na humingi ng dasal para malagpasan at guma­ling siya sa kanyang sakit. Sa photo sa TikTok video, may suhero at oxygen na nakakabit kay Mercy na kinuwento na after her lung operation, dinala siya sa ICU dahil hindi siya makahinga.

Kahapon, ibinalita ng Aegis ang pagpanaw ni Mercy, ang isa sa vocalist ng nasabing banda na ang mga kanta ay paborito ng marami.

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ni Mercy mula sa fans ng Aegis na nalungkot na wala na ang isa sa paborito nilang singer ng favorite band nila.

Show comments