Nag-share si Global fashion icon Heart Evangelista ng kanyang naging experience sa cover photoshoot niya for Harper Bazaar Singapore.
Inamin ni Heart na hindi raw siya puwede na walang eyelash extensions. Pero requirement sa photoshoot ay tanggalin ang mga iyon. Dahil dito ay tila nakaramdam ng anxiety si Heart.
Dahil big deal daw ang maging cover ng naturang magazine, kailangan i-sacrifice ni Heart ang kanyang mga pilik-mata.
“It’s a different look so they want no lashes at all. Hindi po ito puwedeng gawin sa ibang shoot. Hindi ko kaya!” emote ni Heart sa second cover shoot niya para sa magazine.
Ang editor-in-chief ng magazine na si Kenneth Goh ang mismong nag-request kay Heart na kunan siya without eyelash extensions.
“He told me that he’s been watching me from afar and that he was watched my journey in Fashion Week and he finally wanted to put me on the cover. He only had one request, na kailangan baklasin ko daw ‘yung mga lashes ko. Eh siyempre sanay na ko na naka ganito na ko so hindi ko na kilala ang sarili ko na walang lashes,” sey ni Heart.
Sulit naman daw ang sakripisyo ni Heart dahil ang ganda ng kinalabasan ng cover niya.
“Sometimes, when it rains, it pours. This is my Harper’s Bazaar issue and then sinurpise nila ko because it wasn’t just one but two!”
Christian at misis, ‘di pa handang magkaanak
Six years na palang kasal si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista sa kanyang wife na si Kat Ramnani. Kinasal sila sa Bali, Indonesia in 2018.
Nag-celebrate sila ng kanilang 6th anniversary noong Nov. 17. Post ng singer sa Instagram: “Happy anniversary my love.”
Post naman ni Kat: “A SIXsucessful marriage, means falling in love many times with the same person. I’m so lucky I have the privilage to continue to keep falling in love with you @xtianbautista, I couldn’t be more blessed to call you mine. Happy 6!”
Maraming netizens ang nagtanong kung bakit wala pa rin silang anak? Lagi namang sagot ng The Clash judge ay kapag ready na raw ang wife niyang nagka-baby, doon na nila paplanuhin.