KathDen, masigasig na maka-P1 bilyon agad!

Napansin ba ninyo, naglalabas ang Star Cinema ng day to day gross ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo?

Karaniwang ginagawa iyan para magkaroon ng snowball effect. Dahil sinasabing marami ang nanonood, pero marami pa ang makukumbinsing manood. Kailangan nilang gawin iyan dahil mahigit na anim na raang sinehan ang kinuha nila.

Kung marami ang sinehan, mahahati ang tao at nawawalan sila ng pagkakaton sa mas malaking film share.

Ang katuwiran naman nila riyan marahil ay dahil gusto nilang unahan ang mga pirata sa lahat ng lugar. Bago makapaglabas ng kopya ang mga pirata nauna na sila sa sinehan.

Pero iyon ay unfounded theory lamang. Ang dama namin kaya ganyan sila kasigasig, gusto nilang mabilis na lumampas sa isang bilyon ang kita nila.

Karla, supot ang pasabog

Pero ano naman kaya iyong sinasabing pasasabuging kuwento ni Karla Estrada tungkol sa KathNiel nina Kathryn at Daniel Padilla?

Hanggang ngayon ay ayaw pa niyang sabihin eh, idedetalye daw niya ang tunay na dahilan ng breakup.

O baka naman fake news lang itong ikinakalat ng mga hindi totoong fans ni Daniel Padilla?

Ang alam nating dahilan ng split ay nang aminin diumano ni Andrea Brillantes kay Kathryn mismo na ang naganap sa kanila ni Daniel nang malasing sila sa mismong bahay ng aktor.

Ano kaya ang sinasabing pasabog ni Karla.

Baka naman supot ang pasabog na ‘yan.

Alfred, inaming nakatanggap ng mga indecent proposal!

Si Alfred Vargas, bago naman naging konsehal ay lumabas muna sa sexy films noon ng Seiko.

Actually una siyang napansin sa isang pelikula na kung saan ang role niya ay macho dancer.

Lantad naman ang kanyng kaseksihan, hindi nga ba may lumabas pang special issue ng isang magazine kung saan ang nakalagay ay mga sexy niyang pictures.

At dahil ang mga pelikula niya ay tinatawag nga noong ST (sex trip), maging sa publisidad ay may kaunting kahalayan.

Pero sinasabi ni Alfred na noon ay hindi siya nakaranas ng sexual harassment kanino man. Inamin niya na may mga indecent proposal, pero hindi naman niya pinatulan iyon kaya wala rin.

Siguro naisip din ng mga bakla, papalag si Alfred eh. Ang hina-harass naman nila ay iyong ang paniwala nila ay tatahimik lang at mahihiyang magreklamo na nayari sila ng bakla.

Ngayon ay isang iginagalang na pulitiko si Alfred bilang konsehal ng Quezon City.

Show comments