Lambingan nina Dominic at Kathryn, lantaran na
Kahit ilang beses nang nilinaw nina Kathryn Bernardo at Dominic Roque na good friends lang talaga sila, marami pa ring fans ang nagsi-ship sa kanila kaya naman hindi mamatay-matay ang tsismis na may ‘something special’ sa kanila.
Sa pagdalo ni Dominic sa block screening ng movie nina Kathryn and Alden Richards na Hello, Love, Again, last Friday night sponsored by Dra. Aivee Teo, kinilig na naman ang shippers nila.
Makikita sa mga post ng ex ni Bea Alonzo ang mga larawan nila sa nasabing block screening na pinusuan ng netizens.
Sa isang larawan ay makikita pang nakayakap si Kathryn kay Dom na sa tingin naman namin ay walang malisya at parang yakap-kapatid lang.
Sa caption ni Dom ay binati niya ang kaibigan at kitang-kita rin na masaya siya sa success nito.
“Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I’m proud of you! Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!” sey ni Dom.
“Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit! Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again,” pagbati pa ng dating aktor.
Puso ni Javi nire-renovate pagkatapos ni Sue
Closed for renovation daw ngayon ang puso ni Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez matapos ang breakup kay Sue Ramirez.
Sinabi ito mismo ng alkalde sa kanyang Facebook post bilang sagot sa mga nag-a-apply raw para maging girlfriend niya.
“Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa kita subong!” sey ni Javi.
Sey pa ng ex ni Sue, sa ngayon daw ay naka-focus siya sa trabaho at sa kampanya para sa nalalapit na eleksyon.
“Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay,” aniya.
Mensahe niya sa mga Marites na relax lang daw at huwag manguna.
“Mga Maritess, relax lang kamo ha, indi gid kamo mag-una! sey ni Javi.
Matatandaang kinumpirma ng alkalde sa kanyang Instagram few days ago na four months na silang hiwalay. Ito ay matapos mag-trending ang video ng aktres kung saan mapapanood na naghalikan sila ni Dominic sa isang bar sa Siargao.
Ayon sa official statement ni Javi ay maayos daw ang kanilang naging hiwalayan, walang third party at mananatili sa kanyang puso ang magaganda nilang memories ni Sue.
- Latest