Daniel, pinagmumukhang bitter!

Daniel

Binabanatan na naman nila si Daniel Padilla dahil sa statement sa kanyang social media account na ang totoo ay hindi kawalan sa kanya kung nag-split man sila ni Kathryn Bernardo.

Na hindi naman nila alam kung fake news ‘yun.

Pero sabi nga nga mga “mema” ano raw ang tingin ni Daniel kay Kathryn basura? Hindi rin namin maintindihan kung saan nanggaling ang ikinagagalit nila kay Daniel.

Diumano’y pinatulan niya si Andrea Brillantes. Siguro nga may mga bagay na hindi puwede kay Kathryn kahit na syota na niya, pero puwede kay Andrea. Diumano lang naman dahil sila lang ang nakakaalam ng katotohanan.

Ano naman ang masama kung pagkatapos ng ilang buwan ay maka-move on na si Daniel? Nagsikap naman siyang magkasundo raw sila ulit, pero ayaw na raw talaga ni Kathryn.

Ano ang gusto nila, magmukmok si Daniel habang buhay dahil inisplitan siya ni Kathryn? Bakit kung may nanliligaw kay Kathryn tuwang-tuwa sila, tapos nang sabihin ni Daniel na ok lang sa kanya nagpuputok na naman ang butsi nila?

Mahirap na talikuran ang 11 taong relasyon, lalo na’t totohanan naman iyon, hindi sila magka-love team lang. Siguro kung kagaya iyan ng AlDub, na talagang magka-love team lang, kaya nung nag-split naging boyfriend ni Maine Mendoza si Arjo Atayde at ok lang dahil hindi naman nanligaw sa kanya si Alden.

Pero ang fans na nabubuhay sa ilusyon at ipini­pilit na kasal daw sina Alden at Maine kaya walang bisa ang kasalan nila ni Arjo sa Baguio, at iyong sinasabing may anak sina Alden at Maine. Maski si Alden naiinis na eh, kasi hindi naman totoo.

Pero aywan nga ba kung bakit ang fans ngayon, hahanga nang husto hanggang sa maging kulto na ang ginagawa eh. Sila ang hindi na marunong tumanggap ng katotohanan.

Ang mga ilusyong iyan ang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob na basta mam-bash kahit na wala naman silang dahilan. Eh ano ba ang gusto nila, magmukmok na lang si Daniel habang wala pang nakukuha si Kathyn na kapalit niya?

JaDine fans, buhay pa rin

HIndi raw totoong mag-aasawa na si Nadine Lustre. Papaano namang mangyayari iyon eh ni hindi pa nga raw pormal na nagyayayang pakasal ang boyfriend niyang si Christophe Bariou.

Saka siguro hindi naman nagmamadali ang boyfriend dahil hindi ba na-diagnose siya na may cancer.

Siguro kaya ayaw pa niyang magyayang pakasal hanggang uncertain pa siya sa kanyang sakit. Eh alam naman ninyo ang cancer. At saka para sa JaDine (James Reid at Nadine) fans mabuti ngang wala pang kasal si Nadine. Baka mag-reconcile rin sila ni James, aba hindi rin biru-biro iyong nag-live in sila ng apat na taon. Kaya nga binabanatan din nila ang syota ngayon ni James na si Issa Pressman.  Mahigpit nga lang kumapit si Issa.

Ilusyon kaya ang ganun? ‘Yung umaasa sa JaDine?

Show comments