MANILA, Philippines — Hindi takot makipagsabayan ang dating child star na si Jana Agoncillo sa mga beterano sa industriya. Ito ang ibinahagi ng aktres kay Ganiel Krishnan sa Tao Po na mapapanood ngayong Linggo (Nov. 17).
Nagsimula si Jana sa showbiz sa palabas na Ningning noong limang taong gulang pa lang siya. Napabilang siya sa mga bida ng teleseryeng Dream Dad at Honesto. Ngayon, hindi takot na nakikipagsabayan ang teen actress sa mga beteranong artista tulad ni Maricel Soriano at Janine Gutierrez sa Kapamilya hit drama-thriller series na Lavender Fields.
Bibisitahin naman ni Bernadette Sembrano ang bahay ng isang professional graphic artist na si Ron Quiñones na kilala sa pag-restore ng mga lumang litrato. Siya ay kilala ngayon sa internet bilang isang editor at content creator.
Samantala, samahan si Kabayan Noli de Castro na alamin ang istorya ng bird lover na si Leonard Hernandez na tinuruan ang kanyang mga alaga na mag-perform ng iba’t ibang tricks. Matapos ang ilang buwang pagtitiyaga, ngayon ay iniimbitahan na siya na sa iba’t ibang events para sa kaniyang bird shows.
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa Tao Po ngayong Linggo, 6:30 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.