MANILA, Philippines — Nagsama-sama sa Christmas Station ID ang mga naglalakihang artista ng GMA Network. Kabilang diyan ang mga bida ng Kapuso shows na sinusubaybayan tuwing hapon at gabi.
Sabay na umindak sa Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat ang mga lead actress ng Widows’ War na sina Bea Alonzo at Carla Abellana. Timeout din muna sa giyera ang cast ng Pulang Araw dahil damang-dama na ang Christmas spirit sa mga ngiti nina Sanya Lopez, David Licauco, Ashley Ortega, Rochelle Pangilinan, at Alden Richards. Pahinga rin muna sa pagiging Col. Yuta Saitoh si Dennis Trillo na nakisaya sa CSID kasama ang misis na si Jennylyn Mercado.
Kitang-kita rin ang closeness in real life ng mga cast ng high-rating series na Asawa Ng Asawa Ko at Lilet Matias: Attorney-At-Law. Very glowing naman ang mga bida ng Shining Inheritance na sina Kyline Alcantara at Kate Valdez.
Samantala, may pasilip din sa CSID ang mga bida ng ilang upcoming shows sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime. Nariyan ang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo ng Prinsesa ng City Jail at sina Miguel Tanfelix, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Kokoy de Santos, Antonio Vinzon, at Zephanie ng Mga Batang Riles. Dagdag naman sa magical feeling ng Pasko ang mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.