^

Pang Movies

Ken Chan, may sagot sa P14-million syndicated estafa

Salve V. Asis - Pang-masa
Ken Chan, may sagot sa P14-million syndicated estafa
Ken

MANILA, Philippines — Ayun, sumagot na si Ken Chan na lalaban siya sa kasong syndicated na isinampa sa kanya – P14 million.

Walang naabutang Ken Chan nang isilbi ang warrant of arrest sa kanya.

Diumano’y nasa ibang bansa na ang Kapuso actor.

Pero sa kanyang post kagabi ay sinabi niyang lalaban siya. “Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara. Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.

“Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan. Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila.

“May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo.

“Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko. Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakarang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin.

“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin. Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan.

“Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito. Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.

“Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon.”

Enrique, sinagot kung anong ginagawa ni Liza sa Hollywood

“I loved it. I adore him.  I look up to him. I think he’s very cool.  And I’m inspired to be like him,” papuri ni Rob Gomez kay Enrique Gil na nakatrabaho niya for the first time sa Metro Manila Film Festival entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Bukod kay Enrique, bilib din si Rob sa mga iba pa niyang kasama sa pelikula, na dubbed as the ‘Philippines’ very first meta found footage horror film’ na kinunan pa sa Taiwan.

Inaasahan na malakas ang magiging impact nito sa mga manonood at mga kritiko – reimagined style of filming technique. “Kami ang nag-shoot ng film. May flow lang kaming sinundan,” sabi pa ni Rob sa nasabing approach ng kanilang pelikula na mag-uumpisang mapanood sa Pasko.

Aside from Enrique na bida at producer ng pelikula, Rob, mapapanood din dito sina Jane de Leon, MJ Lastimosa and Alexa Miro with tarot reader Raf Pineda and content creator na si Ryan “Zarckaroo” Azurin.

Si Zarckaroo na isang local video creator ang nagsilbing director ng mga eksena nila sa Xinglin Hospital na isang abandoned hospital sa West Central District, Taiwan.

Kaya naisip nila na baka naman pwede si Liza Soberano (na napanood na sa Lisa Frankenstein). Kaya naisingit ang tanong kay Enrique as a producer din, ba’t ‘di nila kinuha si Liza.

“Masyado siyang busy sa susunod niyang movie na horror sa Hollywood. She is really focused on her US career. Dami niya auditions and events doon. We are focused on our careers,” sagot ng actor sa ilang kaharap na entertainment media sa ginanap na interview sa kanila nina Rob and Alexa.

Anyway, ang pelikula ay produced by Erik Matti with veteran filmmaker Dondon Monteverde and in partnership with Enrique at ito ay adaptation of a Korean box office hit film – 2018 found footage supernatural horror film na idinirek ni Jung Bum-shik, Gonjiam: Haunted Asylum.

Ang Gonjiam: Haunted Asylum ay isang commercial hit sa South Korea na umakit ng higit sa 2.6 milyong mga manonood at U$21 million sa box office, na naging pangalawang pinakamala­king gross para sa isang Korean horror film noong 2018 kaya inaasahan ding kikita sa Pasko ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

HLA, nagsampa ng P85 M sa unang araw

Gumawa ng kasaysayan ang Hello, Love, Again matapos itong magtala ng pinakamataas na box-office record para sa isang local film sa opening day ng pelikula sa bansa. Umabot sa P85 milyon ang kinita nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas noong Nobyembre 13.

Ipinapalabas nga ang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na pelikula sa mahigit 600 sinehan sa bansa at ipapalabas din sa higit 400 sinehan sa iba’t ibang bansa ngayong buwan.

Dinagsa ng mga tao ang mahigit 70 sinehan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Miyerkules para sa midnight screening ng Hello, Love, Goodbye sequel na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

KEN CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with