Inamin ni Alden Richards na malalim na talaga ang friendship nila ni Kathryn Bernardo pero ayaw raw niyang madaliin ang aktres.
Sa guesting ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda last Wednesday ay diretso siyang tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung nanliligaw ba siya kay Kathryn.
Hindi ito direktang sinagot ni Alden ng “yes” or “no” at nagpaliwanag kung ano ang relasyon nila ngayon ng leading lady sa Hello, Love Again.
“‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, is I should say really deep and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life.
“And sobrang naa-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sakin and you know, welcoming me to her life, and of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family,” sabi ni Alden.
Inamin din niyang nagpupunta siya sa bahay nina Kath kung kaya rin lang ng kanyang oras at puring-puri nga niya ang pamilya ng aktres.
“Nakita po kung gaano ka-humble ‘yung family ni Kath. Pareho po kaming lumaki sa probinsiya. Ako po sa Laguna, siya po sa Nueva Ecija, Cabanatuan.
“And I see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal with you know, everyday, and ‘yung pagiging makatao po. Kung ano si Kath, ang laking factor ng family,” ani Alden.
Sobrang na-appreciate raw niya ang pagtrato sa kanya ng pamilya ni Kath at parang hindi raw siya ibang tao.
Nang tanungin ni Kuya Boy kung nasabi na ba niya kay Kathryn ang kanyang itensyon, “opo” ang sagot ng aktor.
Dagdag pa niya, “siguro, sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung anuman po ‘yung pinagdadaanan naming dalawa. I think she has all the time in the world now that she’s been able to try new things as well for herself.”
Ulit na tanong ni Kuya Boy, “does she know your feelings?”
Sagot ni Alden, “I think so po, yes po.”
Tinanong din siya ng TV host kung ano ang papel ni Kathryn sa araw-araw niyang buhay.
“Well, right now po kasi, we are just… you know, very blessed with this opportunity that we have right now and you know, the friendship po that we have right now is deep and special and ang laking bagay po nu’n kasi mas nagagawa po namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film,” aniya.
Lihim ni Andrea, inamin ng ina
Nagkagulo ang followers and fans ni Andrea Brillantes nang mag-post ang aktres ng kanyang Marimar video.
Kumasa si Andrea sa Marimar Transformation Challenge kung saan ay makikitang ginaya niya si Marimar at ang pagsasayaw nito. Nag-viral nga agad ang video at umani ng katakut-takot na papuri mula sa netizens.
Halos lahat ay nagsasabing perfect ang aktres to be the next Marimar kaya marami ang nagre-request na i-remake niya ito with Kyle Echarri as the leading man.
Nagkomento rin ang ina ni Andrea na si Belle Brillantes at ikinuwento na nag-audition pala ang anak niya sa Marimar ni Marian Rivera para sa role na anak ni Marimar. That time ay four years old pa lang daw si Blythe.
“Just a trivia for all of you here, Blythe’s first ever audition was for the show Marimar. A casting agent called me a night before the audition, it was a bit of a rush kind of arrangement.
“She said the show is looking for a child similar to the looks of Ms Marian Rivera. They needed a child that will play the daughter of Marimar, Cruzita,” pagbabahagi ng ina ni Andrea.
Kabisado raw ng anak niya ang linya na sasabihin pero natulala raw ito nang makaharap ang direktor na si Joyce Bernal.
“In the audition, she was asked to have an exchange of dialogues with the director Joyce Bernal. Blythe at 4 yrs memorized a 4-5 sentence paragraph. But when faced wt direk Joyce she turned frozen,” kwento ni Mommy Belle.
“I do believe that everything happens for a reason. Maybe at that time it was not yet her time...” pahayag pa ni Mudra.