Nagbabardagulan na naman ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at dahil ito sa kissing scene at love scene nina Kathryn at Alden Richards sa Hello, Love, Again. Nang-asar ang fans ni Kathryn, sinend sa fans ni Daniel ang clip ng love scene nina Alden at Kathryn na ipinag-reak ng fans ng actor at nagsimula na ang bardagulan.
May mga comment na mas malala pa ang ginawang love scene ni Kathryn kesa kay Nadine Lustre. May nag-comment naman na naduwal siya sa eksena at may comment na mukhang magaling sa halikan si Kathryn dahil daw ito kay Daniel.
May mga nagsabi naman na tama ang decision nila na bitawan ang pagsuporta kay Kathryn at solo na suportahan si Daniel. At least, si Daniel daw ay lalake kung makipaghalikan man sa screen o kaya’y gumawa ng love scene o bed scene.
Isa pang comment ng fans ni Daniel, ilang taon daw hinintay ni Daniel na maka-kissing scene sa movie si Kathryn, pero hanggang nag-break ang dalawa hindi nangyari. Samantalang si Alden, five years lang naghintay at hindi lang nahalikan si Kathryn, naka-love scene pa.
Sagot ng fans ni Kathryn, nagpaka-professional lang ang aktres, saka kinailangan ang ganu’ng eksena sa movie. Kung ang parents ni Kathryn, hindi nagalit, bakit daw mas nag-react pa ang fans?
Nakakatuwa, magpapatuloy ang bardagulang ito habang showing ang HLA and for sure, lahat ng kampo ng fans, nakaabang sa first day gross ng movie, lalo na ang total gross. Magkano nga kaya ang aabutin?
Gerald, captain na!
Promoted ang Kapamilya aktor na si Gerald Anderson at bilang member ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), isa na siyang auxiliary captain. Sa kanyang donning and oath-taking ceremony, dumalo ang ama niyang si Gerald Randolph Anderson Sr., ang girlfriend niyang si Julia Barretto, ang mom ni Julia na si Marjorie Barretto, at COO for broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.
Si Adm. Ronnie Gil Gavan, commander ng Philippine Coast Guard, ang nag-preside ng donning and oath-taking ceremony. Present din si Senator Robin Padilla na kung natatandaan namin, siya ang unang nagpanukala na ma-promote ito. Ito ay pagkatapos ng ipinakitang kabayanihan niya sa super typhoon Carina noong July 2024.
Puno ng pasasalamat si Gerald after the ceremony, hindi nga naman niya ini-expect na ang promotion niya ang magiging kapalit ng kanyang kabayanihan.
“More than the rank, it’s just being here with amazing people. Na-recognize tayo ng idol natin sa ganitong sitwasyon and circumstances, ‘di ba? Si Senator Robin Padilla pa ‘yung nag-pass ng resolution for this to happen,” sabi ni Gerald.
“It’s always good to be here with the Philippine Coast Guard, nakapagbigay tayo ng high morale sa kanila, pinaparamdam natin sa kanila na we appreciate them,” dagdag ni Gerald.