Fans ng KathDen, andaming ‘investment’ sa HLA!

MANILA, Philippines — Habang sinusulat namin ito ay wala pang figure na lumalabas kung magkano na ang kinita ng Hello, Love, Again nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na nag-umpisang ipalabas kahapon sa mga sinehan.

Pero makikita naman ang mga pila sa mga sinehan particular na sa SM North EDSA.

Ang sabi, target nilang maka-P50 million sa first day.

Pero sa totoo lang, grabe raw talaga ang suporta ng kanilang fans. Pinapakyaw ang mga ticket.

Ang yayaman ng fans.

Show comments