Maris, may payo sa mga nagmo-move on
Work, work, work ang ginawa ni Maris Racal habang nagmu-move on siya sa breakup nila ng former frontman ng Rivermaya na si Rico Blanco.
Matatandaang emosyonal na kinumpirma ni Maris sa isang presscon noong July ang breakup nila ni Rico.
Sa latest vlog ni Vicki Belo ay featured si Maris at isa sa natanong sa aktres ay “how to handle a breakup?”
Sey ni Maris, “Thankful ako sa work coz nada-divert ang attention ko. If wala siguro akong work, I don’t know (kung) saan na ako ngayon. But right now, work makes me happy.”
Ito rin ang tip niya sa mga taong may mabigat na pinagdaraanan ngayon.
“To everyone who’s going through tough times, just focus on things that are happening in front of you and what you’re feeling is very valid. It’s okay to be sad, it’s okay to feel lost, it’s okay to feel a lot of things, and it’s okay to question yourself.
“But ‘yung importante is like ‘yung positive words and positive people around you. So, work kung may work ka, focus on it and give your 100%. And malay mo, like months later, you’ll be happy and be normal again,” ang advice ni Maris.
Isa nga rin sa napag-usapan nila ay kung gaano kasimple si Maris na ayon kay Dra. Vicki, kahit marami raw itong pera ay ni hindi niya raw ito nakikitang bumibili ng luxurious items like Louis Vuitton or Hermes bag.
Kaya naman at the end of the vlog ay niregaluhan ni Dra. Vicki si Maris ng Bottega Veneta bag at talaga namang sigaw nang sigaw ang aktres sa labis na katuwaan.
Sey ni Maris, nakita raw niya ang bag na ‘yun sa store at hanggang tingin na lang daw siya kaya naman paulit-ulit na “oh my God” ang sigaw niya nang ibigay sa kanya ni Dra. Vicki ang designer bag.
Bea, pinakakalma ang lahat sa bagong boyfriend!
Nagbigay ng paglilinaw si Bea Alonzo tungkol sa sinasabing bagong boyfriend niya matapos ngang mag-viral ang larawan nila na magkasama at tila sweet na sweet.
Kamakailan kasi ay ni-repost ng aktres ang larawan niya kasama ang lalaking nagngangalang Jose Fores pero ngayon ay deleted na ito.
Tila kuha ang larawan nila sa isang bar at makikitang parang nakahilig pa si Bea sa guy.
Kung titingnan naman ngayon ang Instagram account ni Jose Fores ay makikitang naka-private na ito na dati ay hindi dahil nakita pa ng netizens ang ipinost niya na larawan nila ni Bea at nakunan ng screenshot.
Kaya naman ang tanong ng lahat ay kung ito na nga ba ang bagong boyfriend ni Bea.
Samu’t sari rin ang reaksyon ng netizens at kanya-kanya silang opinyon sakali ngang BF ni Bea ang guy. May nagsabi pang sobrang bata raw nito para sa aktres.
Sa kanyang Instagram Story kahapon ay nagbigay na ng maikling statement si Bea tungkol sa issue. Aniya ay friends lang sila bagama’t wala siyang tinukoy na pangalan.
“Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS,” paglilinaw ni Bea.
“And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo,” sey pa ng aktres.
‘Yun na!
- Latest