Alexa, nahirapan sa Taiwan Killer...!

Alexa

Nagdusa at nahirapan si Alexa Miro habang sinu-shoot ang festival entry na Strange Frequencies: The Taiwan Killer Hospital. Eh as themselves ang role nila kasama sina Enrique Gil, Jane de Leon at Rob Gomez.

Mahigit isang buwan silang nanatili sa Taiwan para sa shooting nito. “Mahirap kasi nagka-clash din ang personalities from time to time. Wala kaming director na kailangan ninyo itong gawin! Kailangan ninyo itong sundin. Lahat kami may gusto kaming iambag sa project. Thankful naman ako at nagawa namin,” pahayag ni Alexa sa pocket pressccon ng movie ng Reality MM Studios.

Ano ba ang meron sa Taiwan hospital? “Naku, kailangan ninyong panoorin dahlil ni-research namin ‘yan. Hahaha!” sagot pa niya.

Kung may mga paramdam at kakaibang ingay sa shoot, may light moments din naman silang cast at production.

Itinanong na rin namin kay Alexa ang nabalitang isang congressman na nali-link sa kanya ang producer ng movie. “Ay narinig ko na rin po ‘yan!

“Kasi nung simula, gusto naming itago ang participation ni Enrique (Gil) as producer. Ghost producer.

“Kaya may lumabas na balitang iba ang producer. Surprise producer namin si Enrique,” paglilinaw ni Alexa.

Napakagaling at napakabait daw na producer ni Enrique. Open siya sa suggestions. Teka, bumisita pa si congressman sa Taiwan

“Hahaha! Busy po ‘yun sa trabaho!” diin ni Alexa.

Ang Stranger Frequencies ay Philippine adaptation ng Korean hit movie na Gonjiam na napapanood sa Netflix.

Show comments