Sunshine, ayaw nang gumawa ng drama series?!

Sunshine Cruz

Ang daming fake news kina Gretchen Barretto and Sunshine Cruz.

Na kesyo grabe raw ang naging away nila ni Gretchen dahil sa negosyanteng si Atong Ang.

Pero parang dedma naman si Sunshine. Parang busy siya sa kanyang mga friend na sina Ruffa Gutierrez and Karla Estrada na nagkaroon ng advance birthday celebration na magkakasama silang tatlo.

Pero true kayang maraming offer na drama series ang tinanggihan ni Sunshine?

In fact, halos sampung drama series na raw ang tinanggihan nito sa isang network.

Kaya nga diumano medyo nagugulat ang ibang production staff na afford na afford nitong hindi na tumanggap ng series.

Pero sabi naman, self-love ang priority ng actress sa kasalukuyan.

Ian, bibida sa series ng war on drugs

Malamang na maging kontrobersyal ang isa sa 2025 offe­rings ng Rein Entertainment, ang six-part crime-drama series na pinamagatang Drug War (A Conspiracy of Silence) starring Ian Veneracion under the direction of Shugo Praico.

Aside from Ian, pagbibidahan din ito nina Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon at Jane Oineza with the special participation of John Arcilla.

Ayon kay Direk Lino Cayetano,  ang Drug War ay sequel ng multi-awarded The Bagman ni Rep. Arjo Atayde.

Paglilinaw ni Direk Lino, wala itong kinalaman sa EJK hearings na isinasagawa ng Kamara at Senado.

“Mas tungkol siya sa mga kwento ng mga naging biktima at naipit du’n sa drug war… exploration siya ng mga nangyari nu’ng panahon na ‘yon. Bakit nagkaroon ng panahon na may nanahimik at nagbingi-bingihan, pa’no tayo nakarating du’n sa panahon na ‘yon (noong 2016)?”

Bukod sa Drug War, malapit nang mapanood mula pa rin sa Rein Entertainment ang isa pang proyekto ni Direk Shugo, ang Caretakers, na pinagbibidahan naman nina Iza Calzado at Dimples Romana, at ang isa pang pelikula kung saan tampok naman sina Richard Gomez at Elijah Canlas.

Speaking of Direk Lino, more than 20 years ago na pala nang tanggalin ang two-third ng kanang liver niya to transplant to his father, the late senator Rene  Cayetano.

Siya ay sumailalim sa 12 oras na operasyon nang kunin ng mga doktor ang dalawang-katlo ng kanyang atay para nga i-transplant sa kanyang ama.

Pero hindi nagtagal ang kanyang ama ay namatay June 25, 2003 at the age of 68 due to complications from abdominal cancer. February 5, 2023 siya inoperahan noon.

Ngayon ay halos wala nang bakas ng operasyon.

“Nag-blood work ako at saka ultrasound. And then ‘yung nung ginawa kasi sakin ‘yun never pa ‘yun nagagawa sa Pilipinas at lahat nang sumubok dito namatay ‘yung pasyente,” kuwento niya sa ilang kausap na entertainment editors.

“Kasi dito lahat galing sa patay, ‘yung gumagawa lang sa buhay, andun pa sa US. ‘Yung, gumawa sa akin, siya ‘yung pioneer, si Dr. Shelby, so bagung-bago pa so parang sabi nga nila we don’t have the data to show like ngayon 20 years wala pa silang data nu’n to show na siya o 20 years okay siya kasi bago pa ‘yung procedure na ‘yun.

“Galing nga nung sabi nung doctor na the more we learn about the human body the more we learned that God made us to help each other kasi ‘yung katabi ko wala rin akong idea... alam n’yo ba pwede palang mag-lung transplant and siguro ‘yung bibigyan niya siguro sa smoking na ganun pwede pala ‘tas yon and then ang nangyari ‘yun,” pagbabalik-alaala niya.

“Ang mabigat lang sa ‘min nga kasi ‘yung dad ko he died a few months after pero naging successful ‘yung liver transplant. In fact, gumanda na ‘yung kulay niya nagmo-mall na kami tapos may na-develop na stomach cancer ‘yon siguro kumalat ang hindi namin nakita o hindi nakita ng mga doktor.”

Nami-miss mo ‘yung daddy mo lalo na at may issue?

“Saka ‘yung dad ko parang ayokong sabihin naman na I’m most like him pero I think pareho kami in the sense na parang dad ko kasi hindi pulitiko parang sa ABS nga nung sa Companero Y Compañera tinuturuan siyang mag-smile kasi siya hindi siya mabulaklak,” sabi pa ni Direk Lino.

Meron ngang nakaambang disqualification case laban sa kanya ngayon pero idiniin ng direktor na wala pa ring makapipigil sa pagtakbo niya.

Masasabi ngang may bigat ang laban ni Direk Lino ngayon dahil ang kalaban niya sa pagka-kongresista ay inendorso ng mismong kuya niya na si Sen. Alan Peter at ng misis nitong si Mayor Lani Cayetano.

Ikinalulungkot man niya ito, naniniwala naman ang direktor na polisiya lamang ang ugat ng lahat. Pagkatapos ng eleksyon, magkapatid pa rin sila ni Sen. Alan.

Pero ‘di raw niya maintindihan kung ba’t ganun :“Hindi ko maintindihan kung bakit pinagbabawalan ako ng ilang mga tao na tumakbo sa unang distrito.

“Kaya ho ako napunta sa Fort Bonifacio, Alan (Cayetano) and (Mayor) Lani (Cayetano) asked me to run for barangay captain to help Lani.

“Kasi nung nanalo si Lani, wala siyang kakampi. And they needed isang matibay na kakampi na ipagtatanggol siya. So I left showbiz.

“It was the height of my career. Kasi, I was doing Noah with Piolo (Pascual) and, at the time, Zaijian (Jaranilla), who had just finished May Bukas Pa.

“Nagpaalam ako sa ABS-CBN because my family asked me to move to District 2 para tumakbo ng barangay captain and eventually congressman,” sabi ng younger brother of Senators Alan Peter Cayetano and Pia Cayetano.

Pero pina-off the record niya ang nararamdaman niyang dahilan kung ba’t ginaganun siya.

‘Di raw siya susuko na bumalik sa public service.

Show comments