Talagang may ilusyon pa sa pagpapalitan ng spiels nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanilang concert sa Toronto. Natural naman iyon dahil ang concert nila ay Dear Heart na celebration ng kanilang love team noong araw.
Ang nakakatawa, mayroon pang nag-comment na ang Sharon-Gabby fans daw ay “delulu,” meaning delusional. Sabihin na ninyong “delulu,” pero kung wala ang mga iyan, aangat ba ulit nang ganyan si Sharon?
Si Gabby isipin ninyong ang katambal lang ay si Sanya Lopez tumataas nang ganoon ang TV ratings.
Mukhang ang makakatulong sa career ni Sharon bilang aktres ay isang pelikulang kung saan sila magkakasamang muli ni Gabby.
Pero abangan din natin ang ginagawa niyang teleserye na Saving Grace. Baka naman ma-isave talaga ang career niya nito.
ex ni karla, ikakasal na rin
Napansin lang namin, panay ang paganda ni Karla Estrada.
Sunud-sunod ang post niya sa social media ng kanyang mukha.
Talaga namang maganda ang nanay ni Daniel Padilla.
Ang posts niyang iyon kaya ang kanyang pantapat sa posts ng dati niyang boyfriend na si Jam Ignacio, na inisplitan siya at panay ang display ng isang mas bata at magandang girlfriend sa social media?
Para bang sinasabi ni Karla na “ito nga pala ang ipinagpalit mo.”
Pero mukhang dedma na ang dati niyang boyfriend na engaged na ngayon sa non-showbiz girlfriend nito.
Gerald, priority ang magkaanak
Naging maliwanag naman pala lahat kay AiAi delas Alas noon pang nakaraang buwan na hiniwalayan na siya ng kanyang asawang si Gerald Sibayan sa pamamagitan ng text messages.
Siguro ayaw na ni Gerald makausap si AiAi kaya itinaon din niyang nasa Pilipinas si AiAi nang ipadala niya ang mensahe na gusto niyang makipaghiwalay.
Sa parte naman ni AiAi, siguro nga naisip niyang mas masakit kung maririnig pa niya mismo sa kanyang asawa na hindi na iyon maligaya sa kanya at gusto nung magkaanak na hindi naman niya maibibigay sa simula pa lamang.
Hindi kami magtataka kung isang araw ay mabalitaan na lang natin na may iba nang kasama si Gerald at may anak na sila.
Si AiAi naman hindi na siya bata, senior citizen na siya kaya kung sakali man kailangang ang susunod niyang relasyon ay pag-aralan niyang mabuti.