Fans ng KathDen, tanggap na ‘di sila magkakatuluyan sa totoong buhay

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Ngayong Nov. 13 ang opening ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. At ito ay showing sa 500 cinemas all over the country.

Tama ba ang pagmamalaki ng fans ng dalawa na ang collab movie ng Star Cinema at GMA Pictures ang may pinakamaraming cinemas sa opening day? Bukod doon, ang HLA rin ang local movie na may midnight screenings at sa 75 cinemas pa sa buong bansa.

May mga block screening din. Idagdag pa ang international screenings. Dahil dito, malampasan kaya ng HLA ang box-office gross ng Hello, Love Goodbye?

Magiging exciting nito ang paghihintay ng total box-office gross ng movie.

Pero hindi na umaasa ang fans nilang magkakatuluyan sila sa totoong buhay.

Tanggap na ng kanilang followers na pulos pagpapakilig lang sila.

Jennylyn at Rhian, tinuldukan na ang paglipat ng istasyon!

Matitigil na nito ang isyung aalis sa GMA Network sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos para lumipat sa ABS-CBN dahil kasama sila sa Christmas Station ID ng Kapuso Network.

Matatandaang naging isyu na lilipat sa ABS-CBN sina Jennylyn at Rhian dahil hindi pa raw nagre-renew ng kontrata sa GMA. Si Rhian nga, last week lang umugong ang tsika na sa ABS-CBN siya pipirma at nakita pa nga raw siya roon, bagay na itinanggi ng manager nito.

Si Jennylyn, matagal nang naiisyu na aalis sa GMA at lilipat sa ABS-CBN at kahit sinabi na nito sa isang interview na loyal Kapuso siya, ayaw maniwala ng fans.

Show comments