Piolo, interesado kay Sue?!
Ang latest, nanliligaw na raw si Dominic Roque kay Sue Ramirez.
Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.
“Ang sabi ng source ko eh nanliligaw daw itong si Dominic kay Sue Ramirez,” ani Ogie.
Bukod dito, pati ang nanay ni Dom ay tila pabor sa aktres dahi sey ni Ogie, “ang balita ko pa eh nagpapadala pa ng food itong si mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez.”
“Ay, nakikiligaw ‘yung mother,” hirit ni Mama Loi.
Sagot ni Ogie, “Oo, pero ito’y nanliligaw pa lamang daw. Siyempre tinitimpla pa rin ni Sue kung siya na ba pagkatapos nila ni Javi Benitez.”
Sa isang Instagram post noong Sabado ay kinumpirma ni Javi na 4 months na silang hiwalay ni Sue.
Ang tsika pa ni Ogie, ayaw daw marinig ni Sue ang pangalan ni Javi.
“Nakakaloka nga, parang ‘pag may nagkukwento raw kay Sue ng tungkol kay Javi Benitez ay parang naiirita raw si Sue. Parang ayaw ni Sue na naririnig ang pangalan ni Javi Benitez.
“Ibig sabihin hindi sila nagkatapusan ng maganda, ng maayos. Hindi sila nag-break up ng friends pa rin,” sabi ni Ogie.
Ang isa pang tsika ay nagpaparamdam din daw si Piolo Pascual kay
Sue.
“Totoo ba na nagpaparamdam ng intensyon na makapanligaw kay Sue Ramirez ang isang aktor?” sey ni Ogie. Nagbigay siya ng initials na P.P. but later ay sinabi na rin niya na si Papa P.
“’Yun ang nakarating sa akin. Totoo kaya?” sabi pa ni Ogie.
Muli ay pinauna ng TV and online show host na pwedeng mali ang kanyang impormasyon at pwede namang klaruhin ng mga taong involved.
May nakausap din si Ogie tungkol sa viral kissing video nina Sue at Dominic sa Siargao.
“Ang sabi ng aking source, nagpaalam lang daw kay Dom na siya’y aalis na. Mali lang daw ang anggulo ng camera na siyang nag-video sa kanila,” sey ni Ogie.
- Latest