^

Pang Movies

Tina Paner at ina, ‘di na natapos ang away

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na naman pala magkasundo sina Tina Paner at Daisy Romualdez.

Inamin ng beteranang aktres na dalawang taon na raw silang hindi nagkakausap ng itinuring na panganay na anak.

Pero matagal na namang ganyan ang kanilang sitwasyon, galit-bati.

Natatandaan pa namin ang unang malaking controversy noon ni Tina Paner ay nang may nagsabing siya ay ampon lamang ng kinikilalang amang si Manny Paner at Daisy Romualdez. Katakut-takot na sagutan iyon sa media.

Wala pang Internet noong panahong iyon.

Lumabas naman ang totoo na si Tina ay anak nga pala ng kapatid ni Daisy, pero naging mitsa iyon ng away sa kanilang pamilya.

Tapos nagkaroon na naman sila ng controversy, pumunta si Tina sa US at piniling manirahan na roon. Iniwan niya ang showbusiness.

Ang sumunod na kuwento ay nasa Spain siya, nakapag-asawa roon at nagkaroon ng isang anak.

Hanggang nagkasundo na naman sila ni Daisy dahil nagkaroon ng problema si Tina sa negosyo niya sa Spain, at siyempre to the rescue ng nanay-nanayan.

Tapos umalis na naman si Tina, dala ang kanyang anak at ang sama pa ng loob ni Daisy, malaki na raw iyong kanyang apo. Magtatapos na ng kursong medisina, at hindi rin daw niya nakikita at nakakausap iyon.

Pero palagay namin magkakasundo rin naman ang magnanay na iyan dahil hindi nga bago ang mga ganyang pangyayari. Paulit-ulit na lang.

Dating aktres / produ bina-blackmail ang dating aktor na nakatsugian

May isang kuwento kaming narinig tungkol sa isang aktres, na noon naman pa sinasabing para ngang nympho talaga, at isang dating aktor na hindi naman masyadong sumikat.

Noong panahon nila hindi lamang artista kundi nagpo-produce pa ng pelikula ang aktres, at kinuha niya sa isa o dalawang pelikula yata ang poging aktor. Pero may kaso pala ng sexual harassment.

May ilang pagkakataon daw na pagkatapos ng shooting ay kailangang sumama ang aktor sa bahay ng aktres / produ at pagbigyan iyon sa kanyang kagustuhan, dahil kung hindi nagbabanta iyong aalisin ang lahat ng eksena niya sa pelikula at hindi na siya kasali. Eh talagang gusto rin naman ni pogi na sumikat, kaya pinagbigyan na lang niya ang aktres / produ.

Sinasabi pa raw ng aktres na “Mas may kinabukasan ka naman sa akin kaysa sa scriptwiter mong bakla.”

Isang baklang script writer kasi noon sa isang malaking kumpanya ng pelikula ang naka-discover sa poging actor sa isang bar.

Natapos naman niya ang pelikula, pero hindi naman iyon naging malaking hit dahil noon ay papalubog na talaga ang aktres /produ.Wala ring nangyari sa career ni pogi kaya ipinasiya niyang mag-abroad na lang at doon hanapin ang kanyang kinabukasan.

Nakapag-asawa na rin siya roon at ngayon ay may mga anak na.

Pero minsan ay nagpunta roon ang dating sikat na aktres para sa isang show, nakita siya ng dating poging aktor at dahil magkakilala naman, nilapitan niya at binati. Sabay baling daw sa kanya ng aktres at sinasabing kailangang mag-date sila noon mismo. Tumanggi raw ang aktor dahil may pamilya na siya at iba na ang kanyang buhay, pero may pam-blackmail pala ang aktres, sinabi sa kanya, “nakalimutan mo na ba na kinunan kita ng picture matapos tayong nag-sex noon. Gusto mong pagbalik ko sa Pilipinas ay ikalat ko iyon para mapag-usapan ka sa social media.”

Walang nagawa si aktor kundi pagbigyan ang mahilig na aktres na kung iisipin mo napakatanda na mahilig pa.

Well, andyan pa sila pareho at nababanggit pa ang pangalan sa mga usapan sa showbiz.

TINA PANER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with