^

Pang Movies

Zanjoe at Ria, ‘di pa ipapakita ang mukha ng anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
, zanjoe, at baby
Ria Atayde, Zanjoe Marudo at baby

Wala pang balak magpa-face at name reveal sa social media ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa kanilang first baby.

Ayon kay Z nang makausap namin sa announcement presscon ng kanyang bagong pelikula na How to Get Away From My Toxic Family, hindi naman daw nila itinatago ang kanilang baby boy pero hindi pa raw ngayon ang time para i-expose ito sa social media.

“Hindi ko naisip ang name reveal o face reveal,” sabi ni Z. “‘Pag may nagtanong, ‘pag may gustong makita, pinapakita ko at sinasabi ko ang pangalan pero hindi para iharap o post ko sa online.”

Paliwanag ng aktor, “masyado pa siyang bata, parang masyado pa siyang maliit. Kumbaga, wala pa siyang two months, eh. Kaya hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online.”

Kung gusto naman daw makita ng ibang tao at mga kaibigan ay ipinapakita naman nila.

“Kung gusto n’yo namang makita, ipapakita ko sa inyo,” aniya.

At ipinakita nga sa amin ng aktor ang photos and videos ni baby Marudo at napaka-cute naman talaga nito. Tama si Sylvia Sanchez na nakuha nito ang kulay ni Arjo Atayde pero kamukhang-kamukha ni Zanjoe.

When asked kung ano ang unang naramdaman niya the moment na nakita niya ang kanilang anak, ayon sa aktor ay natulala raw siya at hindi niya ma-explain ang kanyang pakiramdam.

“Ang sarap ng feeling. Hindi ko ma-explain. ‘Di ko alam kung saan kukunin ‘yung kaligayahan, ‘yung kaba, ‘yung ganu’ng feeling bilang ama.

“Iba ‘yung pakiramdam. Hindi ko pa naramdaman ever ‘yung ganu’ng feeling. Na kahit na umaarte ako na may mga ganu’ng eksena, hindi pala ganu’n, hindi pala ganu’n ang totoong feeling ng mga ginagawa ko sa scene,” masayang sabi ni Z.

Samantala, pagkatapos ng dalawang taon ay balik-trabaho ang aktor sa family drama movie na How to Get Away From My Toxic Family produced by Ogie Diaz Productions.

Ayon kay Z, nang i-pitch nga sa kanya ang proyekto ay umoo na agad siya kahit wala pang script.

“Excited ako sa project na ‘to. After siguro mga almost two years, hindi ako tumanggap ng trabaho. ‘Eto ‘yung isa sa projects na tinanggap ko dahil alam kong ‘eto ‘yung isa sa mga hinahanap ko matagal na, ‘yung mga ganitong klaseng concept, ‘yung mga ganitong klaseng istorya,” sey ni Z.

Super-thankful din ang producer na si Ogie Diaz na tinanggap ni Z ang project dahil talaga raw nang binuo nila ang konsepto ay ang aktor lang talaga ang gusto nilang gumanap ng lead character.

“Talagang inawitan namin si Zanjoe para tanggapin niya. Kung tatango si Zanjoe, saka pa lang kami magka-casting,” sey ni Ogie.

Paliwanag pa niya, kailangan kasing kamukha rin ni Zanjoe ang kunin nilang cast na gaganap na Kapamilya ng aktor para belie­vable nga naman na isang pamilya sila.

Kaya naman ang napili nilang maging ina ng karakter ni Z ay si Susan Africa habang ang panganay na anak naman ay gagampanan ni Richard Quan.

Magsisimula na sa Monday ang shooting ng How to Get Away From My Toxic Family mula sa direksyon ni Law Fajardo. Ipalalabas naman ito sa Jan. 22, 2025 exclusively sa lahat ng SM Cinemas.

 

 

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with