^

Pang Movies

Geoff, handang makasama ang ex na si Carla!

S0...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal na hindi gumawa ng teleserye sa GMA si Geoff Eigenmann at bukas daw siyang makatrabaho ulit ang ex-girlfriend na si Carla Abellana.

Si Geoff ang unang leading man ni Carla noong i-launch ito ng GMA via the Philippine adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda noong 2009. Nagkasama pa sila sa Basahang Ginto, The Last Prince at Magic Palayok.

“Yes, I would be open to working with Carla again. I think now in our lives, a lot has happened to each of us separately. Maturity and growth come in and it’s all in the past. We’re professionals and we did this together for a long time before. Why can’t we do it now?” sey ni Geoff na apat na taong nakarelasyon si Carla bago sila naghiwalay noong 2014.

Minsan na raw silang aksidenteng nagkita at nagbatian naman daw silang dalawa.

“We saw each other once and that was it. Nagpansinan naman kami. This was six or seven years ago. Then we just continued on,” sey ni Geoff na tatlo na ang anak sa misis na si Maya Flores.

Joey Mead, natakot sa sports car ng mister na lumiyab

Sobrang natakot sa pag-aalala ang model-TV host na si Joey Mead sa nangyari sa asawang si Angie Mead King.

Nakaligtas si Angie sa biglang pagliyab ng sports car nito sa SLEX noong nakaraang Huwebes. Sa video ni King, maayos daw ang takbo ng sports car. Hanggang sa biglang umusok sa likod at nasundan ako ng paglabas ng malakas na apoy.

Ayon kay Joey, isang collector’s piece ‘yung nasunog na Acura NSX two-seater sports car.

“This car is a collectors piece for car lovers. It is like comparing it to the vintage 96′ collection of Tom Ford x Gucci. Its been in the shop for a year and finally you can pick up your prized piece and wear it out and enjoy it.. then to all of a sudden have it light up in flames infront of you. So yes the NSX is a vintage car collectors dream.”

Pero ang importante raw ay hindi nasaktan si Angie at baka madaan pa raw sa restoration ang nasunog na sports car.

Ricky, gusto pang i-baby ang twin boys

Proud si Ricky Martin sa twin boys niyang sina Matteo and Valentino na 16 years old na.

Produkto ng surrogacy ang kambal na sinilang noong 2008. May dalawa pang anak si Ricky at ang ex-husband niyang si Jwan Yosef na sina Lucia at Renn, both 5 years old.

Ayon sa Latino singer, lumaki raw sina Matteo at Valentino na pinapanood siyang mag-perform sa stage. Sinama niya ang kambal sa kanyang tour at proud ang mga ito dahil nasaksihan nila kung gaano kasikat ang tatay nila.

Wish ni Ricky na huwag masyadong lumaki nang mabilis ang kanyang mga anak. Gusto pa raw niyang i-baby ang mga ito habang dependent pa ang mga ito sa kanya.

vuukle comment

CARLA

GEOFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with