^

Pang Movies

Angelica at Glaiza, wholesome ang bonding!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Angelica at Glaiza, wholesome ang bonding!
Angelica Panganiban at Glaiza de Castro
STAR/File

Nag-date ang mag-best friend na sina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban.

Ipinost nila ang litrato nila habang nasa loob ng sinehan kung saan pinanood daw nila ang pelikulang We Live in Time.

Nag-bonding silang mag-amigah at napaka-wholesome raw ayon sa caption ng nanay ni Bean.

Dagdag nga niya ay nanood lang sila ng sine at umiyak lang na ang tinutukoy ay naging emosyonal sila sa pelikula.

Kaya naman marami ang naengganyo ring manood ng nasabing pelikula.

Sey naman ng misis ni David Rainey ay nakakaiyak daw ang pagka-wholesome nila.

Ang cute nga ng dalawa na makikita ring nagpakuha ng litrato sa Christmas tree sa mall.

Marami rin ang humanga sa pagkakaibigan nila na best friends forever, in good times and bad times.

Miguel, lantad na sa relasyon nila ni Ysabel!

Hindi na nga kailangan pa ng kumpirmasyon tungkol sa relasyon nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega dahil nang tanungin ang aktor ni Lhar Santiago kung paano sila mag-bonding ng ‘girlfriend’ ay hindi nito tinanggi.

Nang tanungin siya kung ano ang sikreto nila sa magandang relasyon sa kabila ng pagiging busy ay sinabi nitong sinisigurado nila na balanse pa rin.

Alam din daw kasi nila kung ano ang priority nila.

Nagpasalamat nga raw siya na nakapag-recharge sila kahit sandali ka­makailan sa kanilang Indonesia trip at work vacation sa Japan.

Bongga.

ANGELICA PANGANIBAN

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with