Satan… ni Paolo, nanahimik na

Ang pelikulang Dear Satan ni Paolo Contis ay hindi nailabas sa sinehan nang bigyan ng MTRCB ng rating na X – dalawang ulit.

Maaari pa silang gumawa ng appeal sa board en banc, o dahil ang chairman ang nagsabing hindi dapat ipalabas iyon, ang natitira na lang nilang pag-asa kung sakali ay umapela sa Office of the President.

Pero hindi na sila umapela. Magastos iyon at ang pelikula naman nila ay indie lang, na hindi pa nga sigurado kung makakakuha ng playdate sa mga sinehan, at kung kikita ba. Kaya nagdesisyon na lang sila na ilabas iyon sa streaming site, na hindi kailangang dumaan sa MTRCB o kumuha pa ng kung anong permit.

Hindi rin nila kailangang mag-isip ng minimum gua­rantee ng sinehan kung hindi umabot ang kita noon sa quota.

At ang pelikulang Kano na halos pareho ng title at pareho rin ng kuwento ay ilalabas na rin sa internet streaming.

Pero ang mas masakit, kung ang pelikulang Kano ay pinapayagan ng MTRCB na mailabas sa mga sinehan dito sa atin tiyak na sasabihin agad ng mga kritiko na mas kinikilingan nila ang pelikula ng dayuhan. Kung makakuha pa iyon ng magagandang sinehan, tiyak na pati mga theater ow­ners tatalakan na naman nila.

Pero ano nga ba ang dapat gawin? Desisyon ‘yun ng MTRCB.

Labubu, kinumpara ng mga pastor at pari sa demonyo?!

Napansin ba ninyo ang sinasabi nilang cute pero mukhang mga demonyong maliliit na manyika na nakasabit sa mga bag at kung saan-saan pa na nakakahiligan ngayon ng millennials at mga celebrity gaya nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Ruffa Gutierrez, Jinkee Pacquiao, Annabelle Rama at iba pa, iyong kung tawagin ay Labubu.

Napakamahal pala ng original noon. Pero alam naman ninyo ang mga Pinoy, sa Divisoria at sa internet may nabibili nang imitation nito na mura lang.

Pero ayan na naman ang born again pastors, at maging mga paring Katolikong exorcists daw, nagsasabing ang Labubu ay may demonic properties, at dahil doon ay nagkakaroon ng demonic effects sa mga nagdadala noon.

Kung sabagay mukha nga namang manyika ng mangkukulam eh, na isa nga kasing fictional female monster mula sa three Nordic fairy tale picture books na The Monsters na nilikha ng isang Hong Kong-born artist.

Gabby, hot pa rin kahit senior

Senior citizen na si Gabby Concepcion, inamin naman niyang 60 na siya noong birthday niya last Tuesday pero mukhang bata pa talaga siya kaya may pagkakataon pag kasama niya ang anak na si KC Concepcion ay napagkakamalang boyfriend niya ang tatay niya.

Mukha kasing hindi nagkakalayo ang kanilang edad, bagay pa ang hitsura nila sa isa’t isa.

Iisipin nga ba ni Gabby na pagdating niya ng 60 ay makakasama niya sa Toronto pa ha, ang ex niyang si Sharon Cuneta. Doon sa concert nila kinabukasan na dinumog na naman ng marami nilang fans, nagsigawan ang mga tao nang batiin ni Sharon ng happy birthday si Gabby na nasundan ng isang kiss.

Hindi halos nagbago simula noong nagsisimula pa lang siya bilang isa sa Regal babies eh. Tingnan nga ninyo, kilig na kilig din ang mga tao sa tambalan nila ni Sanya Lopez na napakalaki ng kabataan sa kanya, pero hindi ‘yun napansin ng mga tao.

Akala nila ang serye ay naging hit dahil sa ganoong kumbinasyon lang.

Noong subukan nilang si Sharon ang bigyan ng batang leading man, si Marco Gumabao, ang sinasabi ng mga tao nagmukha raw tuloy cougar si Sharon, at hindi gaanong pumatok ang pelikula.

Well, iba na ang panahon.

Sana nga ay maging maayos ang lahat-lahat kina ShaGab at anak nilang si KC kahit may kanya-kanya na silang buhay.

Show comments