Marco, may hinihintay na resulta sa pagkamatay ni Andrei

Andrei Sison
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi pa rin daw gaanong matanggap ng OPM balladeer na si Marco Sison ang biglaang pagpanaw ng kanyang 16-year-old apo na si Andrei Sison.

Kakapirma lang ni Andrei last year with Sparkle at uma-attend na ng workshops at naghahanda na sa formal launch kasama ang iba pang Sparkle Teens.

Madaling araw ng March 24, 2023 nang maaksidente at mamatay ito sa isang car accident.

Ayon kay Marco, hinahanap pa niya ang rason kung bakit maagang nawala ang apo niya. Kaya patuloy lang niyang pinagdarasal ang kaluluwa nito.

“Hinihintay ko pa. Dapat meron talagang may mangyaring iba na connected du’n sa nangyari sa apo kong ‘yun. ‘Yun nga e, ‘Ano’ng reason bakit ganu’n? Ano’ng nangyayari, bakit nangyari?’ So hinihintay ko ‘yun. He’s so full of life, ‘di ba? So promising, so talented and then wala lang. Hanggang dun lang. Hindi man lang niya naranasan ‘yung sarap ng buhay ng isang tao.”

Tatlong tao ang inaresto sa nangyari kay Liam Payne!

Tatlong tao ang inaresto at kinasuhan sa pagkamatay ng One Direction member na si Liam Payne noong Oct. 16 sa Argentina.

Kinasuhan ang suspects with “abandonment of a person followed by death as well as supply and facilitation of narcotics” ayon sa Argentina’s National Criminal and Correctional Prosecutor’s Office.

“Payne was not fully conscious or was experiencing a state of noticeable decrease or loss of consciousness at the time of the fall. illicit conduct was discovered from which three people were charged with the crimes,” ayon sa nilabas na report.

Ang mga kinasuhan ay ang person na laging kasama ni Payne habang nasa hotel siya in Buenos Aires. Ang pangalawa ay isang hotel employee na nag-supply ng cocaine kay Payne. At pangatlo ay ang drug supplier.

Ayon sa autopsy report, may traces of alcohol, cocaine at prescribed anti-depressants sa katawan ni Payne.

Show comments