^

Pang Movies

MTRCB, tuluy-tuloy ang mungkahi sa mga magulang!

Pang-masa
MTRCB, tuluy-tuloy ang mungkahi sa mga magulang!
Lala Sotto-Antonio
STAR/File

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang listahan ng mga pelikulang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon para sa linggong ito.

Rated G (General Patronage) ang Swan Lake, mula sa desisyon nina Board Members Angel Jamias, JoAnn Bañaga, at Jerry Talavera. Ibig sabihin, ito ay pwede sa lahat ng manonood.

PG (Patnubay at Gabay) naman ang ibinigay ng Board sa mga Abner, isang lokal na pelikula na pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Rosanna Roces, at Mygz Molino, at ang Red One, na may pampaskong tema na kasama ang mga kilalang Hollywood actors na sina Dwayne Johnson at Chris Evans.

Sa PG, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang edad 12 at pababa sa sinehan.

Ang animated na pelikulang My Hero Academia: You’re Next, na hango sa isang sikat na anime series, at ang romantic drama na We Live in Time, ay rated R-13, na tanging mga 13 gulang at pataas lang ang pwedeng manood.

R-16 o pwede lamang sa edad 16 at pataas ang mga pelikulang horror na Pusaka: The Heirloom, mula Indonesia at Decade of the Dead.

Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga nakakatanda na patuloy na gabayan at ipaliwanag sa mga batang kasama ang pelikula na kanilang papanoorin.

LALA SOTTO-ANTONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with