Sis ni Julia, magdedemanda!

Julia at Dani

Nagbabala ang anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto-Panlilio tungkol sa pekeng version ng kanyang negosyo.

Masama ang loob niya nang malaman niyang merong mga nagbebenta ng mga pekeng produkto ng Wellness Whispers, na kanyang sinimulan.

Nag-soft launch siya ilang buwan na ang nakalipas kung saan ang kapatid na aktres na si Julia Barretto pa ang kinuha niyang endorser.

Dama sa post ni Dani ang pagkadismaya niya sa mga nanloloko ng mga customer. Sinabi niyang wala pa silang resellers at distributors.

“My god. Rumespeto naman kayo ng business ng ibang tao. Pinaghirapan namin ‘yung mga products namin tapos gagayahin niyo lang para manloko ng tao at kumita?! Instead of scamming people, just create an honest business!”

Wala rin daw karapatang gamitin ang isang shop ng pangalan ng kanyang negosyo dahil naka-trademark na ito at handa raw siyang gumawa ng legal na aksyon kung hindi ito titigil sa pagbebenta ng mga pekeng produkto.

Sinabi pa niyang wala raw silang pananagutan kung ano man ang mangyari sa mga gumamit ng mga pekeng produkto.

‘Kaloka. Ang dami talagang nagkalat na scammers.

Basta ang importante ‘wag paloloko dahil walang manloloko kung walang magpapaloko.

Show comments