MANILA, Philippines — Hindi gaanong happy ang birthday ng eldest nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Tali.
May sakit itong nag-celebrate ng 7th birthday.
Pero ang panalangin ni Pauleen malaman nito kung gaano siya kamahal at kahalaga sa kanila.
Nag-celebrate ng 7th birthday si Tali kahapon na sabi ni Pauleen ay naging buo ang mundo niya dahil sa anak na panganay.
Buong post ni Pauleen : “My little fireceacker!
“Oh how time truly does have wings, you’re now 7! I pray that you know how loved, precious and awesome you are! Don’t let other people tell you otherwise. May you have wisdom to know right from wrong, always have compassion and may you always always love with all your heart! I love you my sweet Ate. My world became complete when God blessed us with you.
“Happy happy birthday!”
Marian, aligaga na sa Pasko
Tuloy pa rin ang showing ng Balota.
Nasa ika-fourth week na ito sa kasalukuyan at ganun pa rin, ang dami pa ring nanonood .
Kaya naman nagpasalamat si Marian Rivera sa mga patuloy na pumipila at natuto sa kanyang Cinemalaya movie na nagbigay sa kanya ng best actress award.
Samantala, naghahanda na agad si Marian Rivera sa Pasko. Ang dami raw kasi niyang plano.
Nag-iisip na raw kaagad siyang ng mga ire-regalo sa mga mahal niya sa bahay. Kung sabagay, 48 days na lang before Christmas. Kaya nga raw, swak ang kanyang endorsement
“So nakakatuwang isipin na si Home Credit Philippines (HCPH) talaga ay extend nang extend kung anong pwede nating itulong. Kaya nga very excited ako sa new campaign na ginawa namin this Christmas,” sabi ni Marian sa ginanap nitong contract renewal last week.
Ang sinasabi ng actress ay ang Great 0% Interest Festival ng Home Credit para sa malawak na hanay ng lifestyle at tech na mga produkto tulad ng mga laptop, pinakabagong mga mobile phone, tablet, at higit pa. Ganundin daw sa mga kasangkapan sa bahay at appliances din.
At natutuwa siya at ang kasama niya sa bahay ay mas madaling makakaipon ng mga gusto nilang gamit dahil nga walang interest.