^

Pang Movies

‘Suspek’ na GF ni Mavy, ngayon lang nagsalita

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagsalita na si Dasuri Choi tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Natanong siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa split ng Mav­Line at diretsahan niyang sinagot na noong una raw ay natutuwa siya sa pagkakadawit niya.

“Hala! Pumasok pa ako! Ibig sabihin available pa ako. I mean, parang ang ganda-ganda ko? Bagets pa ‘yung ano!’” sey niya na ang tinutukoy ay mas bata sa kanya ang dating magkarelasyon.

Maaalalang sinabi na rin niya noong buwan ng February na never daw siyang naging third party matapos siyang akusahang “homewrecker” at “relationship wrecker.”

Pinagdiinan niyang hinding-hindi niya susubukang maging third party sa buhay niya dahil hindi siya pinalaking ganun. Pinalaki raw siya na super, super, super bait ng mga magulang niya.

Nagkasama ang unico hijo nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at si Dasuri bilang hosts sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

Nagsimula ang intriga sa kanila dahil sa kumalat na TikTok video na magkasama silang dumalo sa soft opening ng restaurant ng executive producer ng Tahanang Pinakamasaya na binigyang-malisya ng mga netizen.

Pero ngayon nga ay naka-move on na rin naman ang dating magkarelasyon dahil dating na raw sina Kyline at Kobe Paras at masaya na si Mavy na masaya ang ex niya.

Teka sino ba si Dasuri? Hahahaha.

MAVY LEGASPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with