Coco, gustong ituloy ang katahimikan ng relasyon nila ni Julia

Julia

Proud na proud si Coco Martin sa long-time girlfriend na si Julia Montes matapos mapanood ang trailer ng Saving Grace.

Si Julia ang isa sa bida ng nasabing upcoming Kapamilya series kasama si Megastar Sharon Cuneta at Sam Milby.

“Sobrang proud, at ako din sobrang proud sa kanya kasi nakita ko na ‘yung trailer ng Saving Grace, grabe sabi ko parang pelikula. Galing ng mga directors and actors,” sey ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.

Bukod dito ay very proud and thankful din ang aktor/direktor sa suporta at pagmamahal rin sa kanya ni Julia.

“Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal niya sa akin sa lahat ng ginagawa ko, mapa-pelikula o soap opera at sa pagpo-produce ko,” sey ni Coco.

Dagdag pa niya, “Ang sarap na alam mo mayroon kang katuwang na alam mong mahal ka, sinuportahan ka tapos give and take kayo. Nagbibigayan, walang inggitan, walang kumpe­tisyon.”

Bagama’t umamin na sina Coco at Julia sa kanilang relasyon ay napapanatili pa rin nila ang pagiging pribado nila bilang magdyowa at sey ng aktor ay nais niyang manatili ito. “Tahimik, tahimik ang buhay, walang intriga. Sabi ko nga, the more na tahimik ka, the more na ito ka lang, private ka lang, mas nakakaiwas ka sa ikasisira ng buhay mo or ikasisira ng relasyon,” sey ng Teleserye King.

Melai, dinaan sa biro ang sakit ng anak

Idinaan na lang sa pagbibiro ni Melai Cantiveros ang pagkakasakit ng bunsong anak nila ni Jason Francisco na si Stela Rosalind.

Nag-post si Melai ng larawan nila ni Baby Steya habang nasa ER (emergency room) ng ospital.

Makikita sa larawan na tila tinatanggalan ni Stella ng kuto ang kanyang mommy.

Kaya sa caption ni Melai ay nagbiro siya na confirmed daw na may lahing unggoy sila.

“May lahing Onggs nga kmi Confirm!! Kahit sa ER tlagang di napipigilan ang dugong bughaw,” sey ni Melai.

Nagbiro rin siya na mahilig daw silang makiuso pati sa sakit. “Be safe everyone kasi uso nanaman, alam mu nmn tayu laging nakikiUso.”

Sa huli ay humingi ng dasal si Melai para sa paggaling ng kanyang anak.

“Ipray nyu aking baby onggs na magheal na ng full kasi worried na si Mother Onggs Thanks everyone,” aniya.

Isa sa nag-comment sa post ni Melai si Kris Aquino. Aniya, “be healthy.”

Show comments