Talagang ang gustong mangyari ng GMA 7 ay umiwas sa ano mang klase ng iskandalo at kung mangyari man iyon nang hindi maiiwasan, mananahimik na lang sila. Baka sabihin na naman nila fake news.
Noong malaman daw ng Sparkle ang nangyari sa pagitan nina Rita Daniela at Archie Alemania, kinausap nila ang magkabilang panig para ‘mag-ayos’ na lang.
Mabilis naman ang aksiyon ng GMA 7, inalis nila agad si Archie Alemania sa seryeng Windows’ War, para hindi na sila madamay at masabing may serye pa ito. Pero hindi lang si Archie ang inalis sa show, tinanggal din nila si Rita Daniela, dahil nga siguro sa pinag-usap na nila nagdemanda pa at siyempre sabit ang GMA 7.
Pero maliwanag sa kanilang aksiyon, talagang iwas-pusoy sila basta may problema.
Tingnan ninyo ang nangyari Kay Gerald Santos matapos na magreklamo, natanggal si Danny Tan pero siya man ay inalisan din ng show.
Malamang ganyan din ang mangyari kay Sandro Muhlach, na nagreklamo sa dalawang baklang independent contractor nila, sinuspinde nga nila ang dalawa, pero mukhang wala ring trabahong ibinibigay kay Sandro, o choice nga ba niya na magpahinga muna?
Art is Kool host Robert Alejandro, pinagluluksa
Nakakalungkot din dahil kamakalawa, Martes, ay pumanaw ang dating kasama sa Probe Team na si Robert Alejandro sa edad na 60.
Nang mawala sa kanila ang Probe Team, sinasabing itinerminate ng GMA ang kontrata sa kanila ng Probe Team ni Cheche Lazaro sa kabila nang malakas noong following matapos diumano nitong maglabas ng isang kontrobersiyal na report tungkol sa mataas na opisyal. Naiwan sa GMA ang dalawa sa mga miyembro ng team na si Love Añover, at si Robert Alejandro na ginawa nilang host ng isang children’s show na Art is Kool. Pero dahil parang walang challenge iyon sa kanya, nagnegosyo si Robert nang itatag nila ang isang local stationary company, iyong Papemelroti kung saan siya co-founder, na naging sikat naman talaga.
Hindi nga nagtagal at nagkaroon siya ng problema sa kanyang kalusugan at lumabas na iyon pala ay colon cancer. Tumanggi siyang sumailalim sa chemotheraphy, dahil diumano sa nakita niyang karanasan ng kanyang ina at bayaw na parehong nagkaroon din ng cancer, at sa halip ay ipinaubaya na lang niya sa awa ng Diyos ang kanyang buhay.
Pero nagkaroon siya ng isang mapait pang karanasan, para tulungan siya sa kanyang kalagayan, kumuha siya ng isang caregiver na pinagkatiwalaan naman niya dahil rekomendado ng kanyang doktor mismo. Wala siyang kamalay-malay na ninanakawan na pala siya noon. Natuklasan niyang mahigit na tatlong milyon na pala ang nananakaw sa kanya.
Sumama ang loob ni Robert, at iyang sama ng loob at depression ay talagang nakakapagpalala ng cancer. Hanggang sa pumanaw na nga siya noong Martes.
Mavy, nagpapapayat para kay Kyline?!
Wala naman daw masamang comment si Mavy Legaspi sa sinasabing syota na ni Kyline Alcantara ang basketball star na si Kobe Paras.
Isa pa, papaano mo nga ba kakalabanin ang magandang feedback sa relasyon nina Kyline at Kobe, ganung halos lahat ng tao ay walang sinasabi kundi napakapogi ng basketball star.
Kaya si Mavy, nagpapayat at nagpapapogi rin, pero mas malakas talaga ang dating ni Kobe.