Mavy, the person lang ang tawag kay Kyline

Nagkita na pala sina Kyline Alcantara at ex niyang si Mavy Legaspi after their breakup at sabi ni Mavy sa interview sa kanya ni Nelson Canlas, nagbabatian naman sila. Kaya lang, hanggang “hi” pa lang at wala yatang kasamang smile.

Kaya ‘yung tanong ni Nelson kung handa na ba siyang makaharap si Kyline, sagot ni Mavy, “I’ve always been civil. At the end of the day, we’re all just looking for happiness in our life.”

Tinanong pa ni Nelson si Mavy tungkol sa pag-amin ni Kobe Paras na officially dating na sila ni Kyline. “The person’s happy. I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful. What’s done is done also at lahat naman masaya,” sagot ni Mavy.

In fairness, napag-usapan si Kyline na hindi nabanggit ni Mavy ang kanyang pangalan sa sagot nito. “The person” ang itinawag niya kay Kyline na hindi naman siguro mao-offend.

Samantala, nabanggit ni Mavy na focused siya ngayon sa working out at pagda-diet at kita naman na ang laki ng kanyang ipinayat. Without elaborating, sabi nito, he is preparing for a comeback na for sure, project ang tinutukoy at umaasa ang fans nito na sa GMA 7 pa rin siya mapapanood.

Maiqui, sinagot ang fake news kay Robi!

Pinabulaanan ng wife ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda ang fake news reported on Facebook page na may taning na ang kanyang buhay. Ginamit pa nito si Robi na kinumpirma ang kalagayan ng kanyang asawa.

Sabi raw ni Robi, “Sobrang sakit! Ilang buwan ko na lang siya makakasama” na para bang kumpirmasyon sa ibinalita ng hindi kilalang FB page.

Nagsalita na rin si Maiqui via Instagram Stories at pinost ang screenshot ng balita sa kalagayan niya.

“I don’t use Facebook so I don’t see posts like these but thanks to people for sharing to me. Probably why people would ask me if I’m OK.

“I only share here since I’ve built a good relationship with a lot of people who follow and message me. You guys know me best. If you have the time, please help me report this post for false information on health. Thank you!!!”

Tsinek namin ang IG niya at ang dami niyang ganap sa buhay. May reels post pa siyang nasa gym siya at nagwu-work out sa isang fitness center. Tapos, kumain siya at she looks fine and okay.

Rhian at Sam, nagtukaan sa marathon!

May magandang balita si Sam Verzosa sa katatapos na New York Marathon na sinalihan nila ng girlfriend na si Rhian Ramos. Mas sumaya pa dahil may pa-lips to lips ang dalawa habang tumatakbo.

Nag-post si Sam ng, “2024 New York Marathon. Grabe yung energy ng mga tao! 42km of running thru the 5 boroughs of NYC. Starting in Staten Island made our way thru Brooklyn, then Queens then Manhattan thru the Bronx and finishing in Central Park. Marami pong salamat sa Panginoon at sa lahat ng nagdasal at sumuporta ni @whianramos.”

Masaya at hindi nakakapagod ang marathon, lalo na at may mga kapwa Pinoy na nag-cheer kina Sam at Rhian at may dala pa silang placard.

After the marathon, Sam and Rhian congratulated each other at dito na naganap ang kanilang lips to lips.

Show comments