BIG time at talagang bongga ang gagawing media launching ng pelikula ni Vilma Santos para sa MMFF, ang Uninvited. Pati ang media ay ine-encourage nila, hindi naman pilitan na magsuot ng Great Gatsby get up at ang mapipili raw best dressed ay mananalo ng premyo na hindi na nila kailangang isipin pa ang celebration ng kanilang Pasko.
Ang sabi, kung papaanong inila-launch ang mga malalaking pelikula in the past ganundin ang gagawin nila sa Uninvited. After all bihira nga namang pagkakataon na magkasama ang isang malaking star na gaya ni ate Vi, Aga Muhlach, at Nadine Lustre na kapwa nanalo na rin ng acting awards at pareho pang nakapagrehistro ng records bilang top grosser ng MMFF sa dalawang magkasunod na taon.
Kung ganyan nga naman kalalaki ang mga stars mo sa pelikula, na kung iisipin ay napakahirap ngang buuin, aba kailangang maging bongga na ang launching mo at tiyak namang pag-uusapan iyan. Hindi mo maaaring tipirin dahil mapipintasan ka.
John, alaala na lang sa misis?!
Napakabigat ng dating ng post ni Priscilla Meirelles sa kanyang social media kung saan niya sinabing “if someone makes you an option, make them a memory.” Para bang sinabing “kung hindi ka na niya pinahahalagahan, gawin mo na lang siyang bahagi ng iyong alaala.” Sa madaling salita, huwag mo nang babalikan pa.
Walang nakakaalam sa pinagmulan nung hindi pagkakasundo ng mag-asawang Priscilla at John Estrada, pero walang dudang lumaki ang awayan na siyang dahilan kung bakit umalis ang bababe at umuwi sandali sa kanyang bayan sa Brazil. Makalipas ang ilang linggo, bumalik siya sa Pilipinas pero hindi siya tumuloy sa kanilang tahanan. Dahil naman siguro sa nababagot na rin si John na mag-isa, nagsimula na rin iyong makipag-date sa ibang kaibigan niya, at pumutok nga ang balita nang dumating siya sa isang sikat na watering hole na may kasamang isang magandang babaing hindi naman kilala ng mga naroroon. Mabilis naman iyong nag-viral kaya nga siguro nakarating din agad sa asawa niya na ang reaksiyon nga ay ‘isama mo na lang siya sa iyong alaala.”
Bading na produ at baklitang aktor, naghihiraman ng kaligayahan
Kaya pala naging magkasanggang dikit ang isang aktor at isang baguhang producer ay noon daw gumawa ng unang pelikula ang producer kinuha niya para maging bida ang sikat na aktor. Pumayag naman iyon, pero may inirekomenda iyong isang baguhang male star na lumalabas na rin sa ilang indie, para makasama sa pelikula kahit na supporting role lamang. Nang malaunan, natipuhan ng gay producer ang baguhang boylet. Nagpasintabi naman siya sa kanyang lead actor at inaming kursunada niya ang boylet. Inamin ng aktor na boylet din niya ang baguhan, pero kung interested ang producer, ipapaubaya na niya iyon. Kaya nga ang newcomer ay naging boylet na ng bading na produ, at dahil sa kagandahang loob ng aktor, naging magkaibigan sila. Para mapatunayan ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan, ipinakilala pa ng aktor sa producer ang isang mas bata at mas fresh na male star na siya namang kulukikadidang niya. Naging honest naman siya na ang bagets ay talagang kulukadidang niya pero kung type ng producer dahil magkaibigan naman sila willing siyang ipahiram ulit iyon, pero nilinaw niyang kailangang isauli iyon sa kanya.
Payag naman ng producer, nag-one night stand sila ng baguhang bagets, pero kinabukasan ay inihatid niya iyon sa bahay ng aktor bilang pagtupad sa kasunduan na isasauli niya iyon. Natuwa naman ang aktor, at nangako iyon na kung may iba pa siyang “matitisod” ipakikilala rin niya sa bading na produ. Kaya ngayon, best of friends ang baklitang aktor at ang bading na produ talaga kasing magkasalo sila sa kaligayahan.
Hindi sila gaanong sikat pero may mga ginagawa silang proyekto.