Ogie, sanay na sa intriga sa Showtime!

Ogie Alcasid
STAR/File

Ahh wala raw kaalam-alam si Ogie Alcasid sa intrigang hanggang December na lang mapapanood sa GMA 7 ang It’s Showtime.

Umiikot nga ang isyu na until December na lang ang kanilang programa sa GMA dahil diumano may ilalagay na ulit ang TAPE Inc. na programa at ang It’s Showtime diumano ay sa ALLTV na lang at sa iba pang channel. Ang sabi, wala pa raw diumano kasing nagaganap na renewal between GMA and ABS-CBN para sa nasabing programa.

“‘Di ko alam, eh. I think, wala namang may alam. But it’s hanging in the air. So, siyempre, lahat kami… sanay na kami,” sabay tawa ng OPM icon nung nakausap namin last week para sa kanyang upcoming concert na OgieOke 2 Reimagined.

Dagdag niya “Bahala na.”

Pero puring-puri niya ang mga bossing ng GMA na aniya ay very welcoming sa kanila.

“In fairness talaga sa GMA, talagang pinaglaban nila kami. Especially Ma’m Annette (Gozon-Valdes, GMA top executive). Very welcoming, alam naman namin ‘yan nu’ng Ball,” sabi niya pa.

“I’m just blessed to be part of that history and hopefully, we can do it longer. Otherwise, life goes on,” pahayag niya pa sa mga kausap na entertainment press sa Kamu­ning Bakery.

May nagsasabi nga rin na six months lang naman talaga ang nasa contract nila. Pero hindi raw talaga niya alam. “I don’t know, I’m not privy to the dealings. Naririnig ko but I don’t know.”

Samantala, super excited si Ogie sa OgieOke 2 Reimagined na gaganapin sa Newport World Resorts sa Nov. 30.

Diskubrehin ang new level of concert experience as Ogie Alcasid returns to Newport World Resorts for another round of his fan-favorite sing-along concert.

This time, makakasama ng King of OPM ang BINI, JM Dela Cerna, and Marielle Montellano bilang mga guest.

Matapos nga ang napakalaking tagumpay ng OGIEOKE noong nakaraang taon, ang beteranong singer-songwriter ay dodoble sa saya, tawanan, at walang aatrasang karaoke favorite.

At ang mga dadalo ay maaaring kumanta ng kanyang mga classic hit tulad ng Bakit Ngayon Ka Lang at Nandito Ako, na ginagawang mas madaling sabayan.

Anyway, ilang months ding naging busy si Ogie sa pagpo-produce ng ibang mga artist at ito kumbaga ang comeback niya sa concert scene.

Ididirehe ito ni Paolo Bustamante habang musical director naman si Bobby Velasco.

Bea, naiwan na?!

Malungkot ang ibang fans ni Bea Alonzo.

Ba’t daw kasi parang inaalat ang kanilang idolo.

Nagpa-party siya na ang intention ay magkaroon ng content at makasama ang mga katrabaho sa Windows’ War pero pag-alis nina Rita Daniela at Archie Alemania sa kanyang party, doon naganap ang panghahalay sa huli.

Tapos akala raw nila magte-trending ang idolo para sa Halloween posting, hindi pala.

Umaapaw ang bashing dahil criminal ang peg nito, si Lyle Menendez, na nakulong kasama ang kapatid dahil sa pagpatay sa mga magulang nila. May mga kumalat pa na reel ni Bea habang inaayusan ng stylist niya ala-Lyle Menendez kaya naman baka raw aware rin ito sa kanyang ginawa.

Bago ito ay natalo rin ang actress sa kasong cyber libel na isinampa niya sa misis ng kanyang driver.

Kaya naaawa ang ibang loyal fans nito.

Habang ang mga ibang kumbaga ay ka-contemporary niya ay bongga pa ang career at hot item sa social media.

Janine, nagpasalamat sa mga Hapon

Apat na oras pala ang pelikulang Phantosmia na ipinalabas sa Tokyo International Film Festival na dinaluhan ni Janine Gutierrez.

Sikat sa mahahabang pelikula si Direk Lav Diaz at actually, medyo maiksi pa nga ang apat na oras.

Kaya naman nagpasalamat si Janine na napuno nila ang mga sinehan doon at naging attentive ang mga manonood.

“Officially done with all duties for @tokyo_intl_film_festival. what a great experience to be here and be part of the festival for Phantosmia by Lav Diaz sobrang saya!! the Japanese film audience is amazing. almost everyone stays through the cre­dits, the cinema was full and everyone is incredibly attentive and quiet??! 4 hours of listening to our film in Filipino is such a great experience and so inspiring to see how so many people are interested in our stories and our culture. ang saya. thank you, Tokyo!! as for Manila, can’t wait to bring Phantosmia home. hope hope hope to see you in @qcinemaph

“Passion project launch before I sleep ♥? I may not be your president forever so I will make sure to give my all SSFI.”

“Passion project launch before I sleep I may not be your president forever so I will make sure to give my all SSFI♥.”

Nauna nang dumalo si Janine sa Venice Film Festival para rin sa pelikulang ito - Phantosmia.

Derek at Ellen, pakonti-konti ang face reveal sa anak!

Onti-onti ang face reveal ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang baby girl.

Nag-pictorial na rin ito at very cutesy kahit walang buong mukha.

Samantala, may nag-flex na minamaneho ng actor ng kanyang Porsche 964 Turbo na pinakinis niya.

Pero ang napansin nila, walang seatbelt ang bagong ama habang nagmamaneho.

Show comments