Nagkaroon ng gender reveal ang mag-asawang sina Iya Villania at Drew Arellano sa kanilang baby no. 5.
Ipinost nila kung paano nila ni-reveal ang gender sa apat nilang anak na sina Primo, Leon, Alana at Astro.
Hihintayin pa raw dapat nila pagkatapos maipanganak bago malaman ang gender ng baby nila pero gusto raw talagang malaman ng panganay nilang si Primo ang gender nito.
Simple pero kakaiba nga ang naging pag-reveal nila sa pamamagitan ng cake pops.
Ang cute nga ng mga anak nila na excited habang kinakain ang cake pops.
Majority sa mga ito ay gusto ng baby sister. Pero kung ang mag-asawa ang tatanungin ay hindi raw mahalaga kung ano ang gender nito na ok rin naman daw kung magkakaroon ng younger sister ang daughter nilang si Alana.
Ang mahalaga rin daw sa kanila ay maging healthy ang anak nila.
Laking tuwa nga ng pamilya nila nang malamang baby girl ito nang pink ang lumabas sa cake pops.
Tama ang sinabi ng Chika Minute host noong buwan ng September na malakas daw ang pakiramdam niya na babae ang susunod nilang magiging anak at gusto nga raw ni Primo ang pangalang Amethyst para roon.
Kinumpirma rin ito ni Iya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Siguradong mas magiging masaya ang daughter nilang si Alana dahil may makakalaro na siya at hindi lang ang kanyang kapatid na boys.