^

Pang Movies

Bea, ‘di pinatatahimik sa Halloween costume!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bea, ‘di pinatatahimik sa Halloween costume!
Bea Alonzo
STAR/File

Ang inaasahan lang ni Bea Alonzo, sasali siya sa katuwaan ng Halloween.

Ang unang reaksiyon ng mga nakakita sa post ni Bea ay “Hindi naman pang-holloween iyon dahil hindi naman nakakatakot ang hitsura ni Bea.” At mayroon pang nagsabing “ang pogi pala ni Bea, kung naging lalaki.”

Pero ‘di nagtagal ay may nakaalala ng kuwento dahil sa caption na “Call me Lyle.” Si Lyle Menendez pala ang ginagaya niya, isang kriminal na sa tulong ng kanyang kapatid na si Erik ay pinatay ang kanilang mga magulang noong 1989 sa USA.

Kaya ang sumunod doon ay sunud-sunod na bashings laban kay Bea, na ang hangad lang naman ay maiba siya sa mga may karaniwan nang monster costume.

Para matigil na ang bashing, nag-delete si Bea ng kanyang post, pero may ibang nakapag-save na noon at nag-post din ng kanyang ginawa kaya tapos na ang Halloween bina-bash pa rin siya nang tuluy-tuloy.

Pero wala namang masamang intensiyon si Bea nang gawin niya ang character. Dinelete rin naman niya agad, at ang tinatahulan na lang nila ay iyong nag-repost.

Iyon ang mali, mali na nga si Bea na ginaya si Menendez ni-repost pa nila, ‘di sila mas mali.

John, inamin ang babaeng kasama sa bar!

Ayaw ring tigilan ng bashers si John Estrada matapos na makita na may kasamang isang hindi kilalang babae sa isang bar. O eh ano ba ang pakialam nila.

Hiniwalayan si John ng kanyang asawang si Priscilla Meirelles matapos silang magkaroon ng ‘di pagkakaintindihan. Umuwi muna iyon sa Brazil at pagkatapos ay nagbalik rin ng bansa, pero nagbalik man siya, sinabi niyang wala siyang balak na makipagbalikan kay John.

Nilayasan ka nang asawa mo na ayaw nang makipagbalikan sa iyo, ano pa ang gagawin mo? Siguro naman kung may maka-date kang iba hindi na problema iyon.

Samantala, sumagot naman ang Batang Quiapo actor na wala siyang kailangang ipaliwanag sa kahit sino. May karapatan daw siyang kaibigahin kung sino ang gusto niya mapa-babae man o lalake.

Pero aywan nga ba kung bakit masyadong sensitive ang mga tao ngayon at palagay nila dahil may social media na lahat ay may karapatang magbigay ng kanilang opinyon.

Siguro wala naman silang masamang intensiyon, pero iyan ay maliwanag na pakikialam sa buhay ng may buhay.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with