John Lloyd, ibang-iba na ang ginagawa

Jasmin at John Lloyd Cruz

Naririnig ang mga pagmumura ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Moneyslapper na official entry sa QCinema International Film Festival 2024, mula Nov. 8.

Nakasaad sa synopsis na iniwan ni Daniel (John Lloyd Cruz), ang kanyang inang bayan matapos manalo ng pinakamala­king premyo sa kasaysayan ng lottery ng Pilipinas. Pagkalipas ng limang taon, nag­hahanap siya ng tahanan sa pamamagitan ng mga taong bumubuo sa kanyang nakaraan.

Very dark, well, sa trailer ang movie.

Obviously may investment si John Lloyd dito dahil in collaboration ang kanyang “Dumpsite Gallery.”

Katambal dito ni John Lloyd si Jasmine Curtis at meron silang bed scene.

Alden, nasa ASAP na!

Kabilang ang Hello, Love, Again sa mga pelikulang ipapalabas sa Asian World Film Festival this year sa Los Angeles.

Inanunsyo nga festival na magsisimula ito sa Nobyembre 13 kasama ang South Korean drama na A Normal Family bilang opening film.

Magiging closing film ang Hello, Love, Again sa Nov. 20.

Mapapanood sa bansa ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na sequel ng kanilang 2019 blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye sa Nov. 13.

Samantala, memorable ang ASAP ngayon dahil makikisaya sa road to 30 ce­lebration sina Kathryn at Alden ngayong Linggo (Nobyembre 3) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makiki-celebrate rin ang Pinoy Big Brother Gen 11 big winner na si Fyang kasama ang kapwa finalists na sina Kai, Kollette, at Rain.

Humanda rin sa homeco­ming celebration ng Streetboys members na sina Jhong Hilario, Spencer Reyes, Danilo Barrios, Christopher Cruz, Joseph De Leon, Nicko Manalo, Joey Andres, Sherwin Roux, Meynard Marcellano, at Michael Sesmundo, kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Gela Atayde, Jameson Blake, at Ken San Jose.

Meron ding isang free concert hatid ng OPM icons na sina Erik, Yeng at Angeline, pangmalakasang duets nina Jed Madela, Klarisse De Guzman, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Reiven Umali, at Lyka Estrella, at kabigha-bighaning performances mula sa Rockoustic Heartthrobs na sina Kobie Brown, Kice, Blackburn, Luke Alford, at Anthony Meneses, kasama ang PBB Gen 11 housemate na si Jarren Garcia.

Sabayan din ang biritan nina Belle Mariano, Regine, Zsa Zsa at abangan din ang pasabog na music fest mula kina Moira dela Torre, Johnoy Danao, VXON, Fana, at Tiara Shaye na parte ng Philpop x Himig Handog ngayong taon.

Show comments