Maraming rebelasyon ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa cooking talk show ni Mikee Quintos na Lutong Bahay.
Isa nga sa kinagulat ng marami ay ang paglantad niya na niligawan niya noon ang aktres na si Barbie Forteza.
Nang tanungin siya ng karelasyon ni Paul Salas kung sino ang niligawan niya na binasted siya ay diretsahan niyang sinagot na si Barbie raw.
Nasa 14 o 15 taong gulang pa lamang daw siya noon nang niligawan niya ito kung saan binigyan niya pa ito ng tsinelas kahit hindi raw niya alam ang size nito.
Nilinaw naman ng boyfriend ni Bianca Umali na magkaibigan na sila ngayon ng girlfriend ni Jak Roberto, at close na rin naman daw sina Bianca at Barbie, at ganoon din naman sila ni Jak.
Bukod naman doon ay nakwento niya rin kay Mikee kung paano siya naging kampante sa kanyang career bilang artista.
Hindi naman daw siya yumabang pero iniisip daw niya na walang makakapigil sa kanya na matupad ang mga pangarap niya kahit na nagiging kampante siya at hindi na raw niya ginagalingan.
Dumating pa raw sa punto na lagi lang siyang gumigimik at hindi sineseryoso ang ginagawa.
Pero ngayon nga ay mukhang nag-mature na ang actor at sineseryoso na niya ang trabaho lalo na at marami na siyang mga kakumpetensyang actor at madali na lamang silang palitan. Bongga.