^

Pang Movies

Ate Vi, mas pribado ang birthday

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, mas pribado ang birthday
Vilma Santos.
STAR/ File

“It’s National V day,” sigaw nila, dahil ngayong araw na ito ay ika-71st birthday ng Star for All Seasons na si Vilma Santos Recto.

Pero si Ate Vi, karaniwan nang basta birthday niya ang kasama lamang niya ay ang miyembro ng kanyang pamilya. Hindi naman maiiwasang magkaroon din ng okasyon kasama ang kanyang fans, at ngayon nga ganoon din ang mga kababayan nila sa Lipa, pero ‘yung mismong araw ng birthday niya, gusto niyang maging pribado lamang sa piling ng kanyang pamilya.

After all mas obligasyon niyang mag-celebrate kasama ang pamilya niya.

Noong mga nakakaraang panahon, sinasamantala rin niya ang birthday niya para magbakasyon sa abroad, para makapiling naman ang iba pa niyang mga kapatid na puro nasa US nga.

Pero ngayon hindi niya nagawa iyon dahil sa rami ng kailangan niyang asikasuhin dito.

Sandro, nagpatutsada sa abogado ni Rita!

Nagpatutsada si Sandro Muhlach sa abogado ng independent contractors na diumano’y nanghalay sa kanya na si Atty. Maggie Abraham Garduque.

Ipinost ng anak ni Niño Muhlach ang kanyang sagot kay Atty. Maggie na nagsisilbing abogado rin ni Rita Daniela laban sa actor na si Archie Alemania na sinampahan nito ng kasong Acts of Lasciviousness dahil sa pangmamanyak nito.

Habang ironic daw na ang nasabing attorney rin ang nagtatanggol sa indepen­dent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

“completely agree with you @attymaggie mahirap talaga mag come forward kaya victims and survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them. but wow, how ironic atty. that now you’re standing with a victim of an assault. Justice will prevail!” post ni Sandro.

Nauna nang sinampahan ng DOJ ng mga kasong one count of rape through sexual assault at two counts of acts of lasciviousness sa Pasay Regional Trial Court sina Nones at Cruz.

Aktor, binabalikan ng ex na bading!

Muli raw binabalikan ng isang showbiz gay ang isang male starlet na naging syota niya noong araw.

Iniwan niya iyon nang may makita siyang bagong mas nakahihigit na boylet. Pero ngayong wala na rin ng boylet niya, binabalikan niya si male starlet. Na medyo malabo naman dahil alaga na iyon ng ibang gay.

Aywan lang kung babalikan ng male starlet ang showbiz gay, pero mukhang takot din siya dahil noong panahon daw magkasama sila ay napakarami niyang nude photos at videos na kinunan ng showbiz gay, na kung ikakalat noon ay tiyak na masisira rin siya.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with