^

Pang Movies

Lea, 23 years bago ulit nakagawa ng Christmas album

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lea, 23 years bago ulit nakagawa ng Christmas album
Lea Salonga.
STAR/ File

Na-feature sa latest issue ng People magazine ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga para sa release ng kanyang bagong Christmas album titled Sounding Joy.

Noong 2001 pa ang huling Christmas album ni Lea na The Christmas Album. After 23 years, panahon na raw na gumawa siya ng bagong Christmas album.

Ayon sa Tony Award-winning actress, 2020 pa dapat na-release ang album. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natapos ang album dahil sa sarado ang lahat ng recor­ding studios.

“We had gotten more than half of the songs recorded, at least the principal vocals. And then, you know, the Philippines, like the rest of the world, went under lockdown after COVID-19. So I wasn’t able to go back into the studio to complete the main vocals until 2024.”

Natapos daw niya ang recording by March or April ng taong ito. “We really did our due diligence as far as making sure everything sounded right and that everything was right for this album. I think all of us are finally relieved and happy that it’s coming out,” sey ni Lea. Last Christmas, All I Want For Christmas Is You, I’ll Be Home For Christmas, River at isang duet with American Idol Season 2 runner-up Clay Aiken sa song na Angels We Have Heard (Glory Be).

Sanya, naranasang palayasin sa tent

Kung ano raw ang tinatamasa ni Sanya Lopez ngayon, dahil iyon sa naging sipag at tiyaga niya noong nagsisimula pa lang siya noon bilang extra. “Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila kung paano muna ako naging artista. Dumating pa ako sa point na naging extra ako ni Bianca (Umali) with Ashley Ortega,” sey ni Sanya na naging extra noon sa 2016 teleserye na Wish I May.

Binanggit din ng Pulang Araw star na naranasan niya na ring mapalabas ng tent ng artista noon. “Napalabas po ako ng tent kasi hindi raw ako artista. For artista raw po ‘yun. Tapos sabi ko, ‘Sige po.’ Okay lang naman sa akin. That time hindi ko siya dinidibdib kasi hindi naman talaga ako artista that time.”

Noong mabigyan siya ng big break sa Encantadia, nagsunud-sunod na ang pagiging bida niya. “Doon ko rin ina-appreciate na lahat ng mga kasama natin, artista man o hindi, dapat isa lang ‘yung pagrespeto mo sa kanila. You have to be nice to everyone. Be kind talaga and respect them. Kahit ano pa ‘yung estado nila sa life.”

Halloween costume ng ex-supermodel Heidi Klum, pinagtulungan ng 30 artists

Muling napahanga ang marami sa Halloween costume ni Heidi Klum sa kanyang annual Heidiween party in New York City last Oct. 31.

This year, naging si E.T. The Extra Terrestial si Heidi kasama ang kanyang husband na si Tom Kaulitz. Isang taon daw pinagplanuhan ito ng former supermodel. “I knew I wanted to do something nostalgic. I started going down memory lane, thin­king about which dolls I played with, what movies I watched, and what some of my favorite childhood memories were,” sey ni Heidi na favorite movie niya ang E.T. noong bata siya.

Thirty artists ang nagtulung-tulong na mabuo ang dalawang E.T. costumes gamit ang 3D digital prin­ting sa pag-cast ng foam latex at spandex.

Inabot naman daw ng seven hours bago nabuo ang costumes sa katawan nina Heidi at Tom.

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with