Iya, hirap sa 5th baby!

Iya at Family

Inamin ni Iya Villania na mas hirap siya sa ikalima niyang pagbubuntis sa baby nila ng mister na si Drew Arellano kumpara sa mga nauna.

Tingin naman daw niya ay hindi raw ito maiiwasan lalo na ngayong mas matanda na rin siya. Thirty-one raw siya nang magsimulang magbuntis sa panganay na si Primo at ngayon ay 38 na raw siya.

May takot na nga raw sa isip niya na mas mahihirapan ang katawan niya lalo na at high risk na siya dahil lagpas 35 na siya.

Mas mahirap nga raw ang kanyang unang trimester dahil lumalala ang sintomas ng pagbubuntis o paglilihi niya gaya ng pagsusuka. Hindi rin daw niya maisip ang gusto niyang kainin at ang mga gusto pa raw niya ay ang mga hindi dapat niya kinakain dahil hilaw gaya ng sushi at sashimi.

Kaya ito raw talagang first trimester niya ang pinakamahirap.

Mas naka-focus lamang daw siya ngayon sa kanyang panganganak. Hindi rin daw masabi ng Chika Minute host kung ano pakiramdam ng may ika-limang anak.

Sa ngayon daw ay bukas lamang siya sa lahat ng posibilidad. Kahit daw nakakaramdam siya ng takot ay lagi raw siyang nagdarasal sa ikabubuti ng lahat at umaasa siyang magiging ligtas sila ng kanyang baby.

Show comments