After 25 years, muling magsasama ang dating magka-loveteam na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa big screen.
Yes, kasado na ang reunion film ng MarJo na may titulong Ex Ex Lovers.
Ang magandang balita ay unang inanunso ng Project 8 Projects na pag-aari ng director couple na sina Dan Villegas and Antoinette Jadaone.
Ibinahagi ng Project 8 Projects sa kanilang Instagram ang isinagawang look test nina Marvin at Jolina.
“HUYYY!!! ito na ang COMEBACK na hinihintay niyo!! After more than 2 decades, MARJO (Marvin-Jolina) is back on the big screen! EX EX LOVERS Directed by JP Habac! See you sa mga sinehan next year, mga ka-XXL!,” ang caption na nakasaad.
In another post ay makikita ang MarJo with direk JP Habac with JK Labajo and Loisa Andalio na kasama rin sa cast.
“Marvin Agustin and Jolina Magdangal are returning together to the big screen for “Ex Ex Lovers” under the direction of JP Habac. The film also stars Juan Karlos Labajo and Loisa Andalio,” bahagi ng caption.
“This marks the first film collaboration between Cornerstone Studios and Project 8 Projects following their successful partnership on the productions of Replacing Chef Chico for Netflix and Drag Den Seasons 1 and 2 for Prime,” pahayag pa ng produksyon.
Matatandaang isa sa pinakasikat na loveteam ang MarJo during the ‘90s. Bumida sila sa mga pelikulang Flames: The Movie (1997), Labs Kita… Okey ka Lang? (1998), Kung Ayaw Mo Huwag Mo (1998), Hey Babe! (1999) and Gimik: The Reunion (1999).
Sa panayam ng ABS-CBN sa dalawa sa ginanap na look test, sinabi nilang sobrang excited sila about the reunion.
“Finally talaga. Kasi years ang inabot, para matuloy na talaga,” sey ni Jolens.
Sabi naman ni Marvin, “yung title ‘Ex Ex Lovers’ tulad ng totoo naming buhay. Mag-ex talaga kami.”
Ayon pa kay Marvin, matagal na raw itong inaaabangan ng kanilang fans kaya naman talagang gusto nilang isulit talaga ang paghihintay ng mga ito once na ipinalabas na ang movie.
“Nakakakaba kasi masyado na silang nag-e-expect. We really worked with sila Tonet and sila Dan, para ‘yung pelikulang matagal na nila hinihintay ay ‘yung tipong mag-e-enjoy talaga sila. Hindi lang ‘yung tandem namin ang magbabalik, pati ‘yung pakiramdam nung mga ‘90s – ‘yun ‘yung saya namin kasi naiintindihan nila Tonet, ‘yung pakiramdam ng mga fans at mga taong nanood ng pelikula namin,” sey ni Marvin.
Xian, nakapagpalipad na!
Matapos ianunsyo ni Xian Lim ang kanyang pag-aaral maging piloto noong September, for the first time ay nakapagpalipad na siya ng eroplano.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi ng aktor ang proud moment kung saan ay makikita sa video na nasa manibela siya at nagpapalipad ng eroplano sa ere.
“First time in the pilot’s seat!,” ang pagmamalaki ni Xian.
“Nothing compares to the thrill of taking flight and seeing the world from above. Here’s to new heights and unforgettable views! #FirstFlight @topfliteacademy,” patuloy niya.
Nagpasalamat ang aktor sa kanyang flight instructor sa matiyagang pagtuturo sa kanya.
“Thank you capt. @sassychicxss for the patience and being a really cool FI,” aniya.
Dumagsa ang pagbati ng netizens kay Xian at kabilang na sa masayang-masaya for him ay ang kanyang inang si Mommy Mary Anne.
“It’s like a dream, Anak,” komento ng mommy ng aktor.
Sagot naman ni Xian, “Thank you mom! I’ll send you pictures again tomorrow after the flight.”
Komento naman ni Rocco Nacino, “Super yolo!”
Matatandaang noong Setyembre ay ini-reveal ng aktor na nag-enroll siya sa Top Flite Aviation Academy to take flying lessons.