^

Pang Movies

Katrina, naka-move on na sa namatay na karelasyon

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Unti-unti na raw na nakaka-move on si Katrina Halili sa pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Wao, Lanao Del Sur Vice mayor Jeremy Guiab.

January 2024 nung pumanaw si Jeremy dahil sa atake sa puso. Ayon kay Katrina, kailangan niyang tanggapin ang nangyari dahil sa kanya umaasa ng lakas ang anak na si Katie.

“Hindi naman ako pwede mag-dwell doon sa past. May anak ako, kailangan ko magtrabaho. Kung ‘di ako magtatrabaho, sinong bubuhay sa anak ko?”

Naging madali rin sa Kapuso actress na tanggapin ang nangyari dahil alam niyang may dahilan ang Diyos. Kaya mas gusto niyang mas tutukan ang kanyang career at ang anak na si Katie.

Black Rider ang huling teleserye niya. Susunod siyang mapapanood sa Mommy Dearest with Camille Prats at Shayne Sava.

Tekla, tinanggi ang paglayas sa TBATS

Nakabalik na sa Pilipinas ang Kapuso comedian na si Super Tekla pagkatapos ng dalawang buwang mawala sa programang The Boobay And Tekla Show.

Ayon kay Tekla, nagtagal ang pag-stay niya sa Amerika kunsaan sunud-sunod ang naging trabaho niya. Marami raw siyang pinasayang mga kababayan natin sa US.

Nilinaw naman niya na hindi niya iiwan ang show nila ni Boobay na TBATS.

May natanggap daw siya na offer para lumabas sa primetime soap sa ibang istasyon, pero tinanggihan niya ito.

Canadian singer Shawn Mendes, sinagot ang totoong seksuwalidad

Malaya nang napag-uusapan ng Canadian singer na si Shawn Mendes ang tungkol sa kanyang sexuality.

Marami kasing kumukuwestiyon sa kanyang sexuality noong bata pa lang siya. “First of all, I’m not gay. Second of all, it shouldn’t make a difference if I was or if I wasn’t. I think sexuality is such a beautifully complex thing, and it’s so hard to just put into boxes,” sey ng 26-year-old Señorita singer.

On TikTok, sinabi niyang ayaw niyang ma-pressure na makipag-date after nilang maghiwalay ni Camila Cabello.

“For me, I’ve just been trying to take that pressure off of whoever, and just allow myself to experience the love that is happening in that moment, wherever and however that’s happening.“

Mendes has a new album called Shawn dropping Nov. 15.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with