Rita, may trauma sa pangmamanyak ni Archie!
MANILA, Philippines — Ang tindi ng bashing na inabot ni Archie Alemania pagkatapos siyang ireklamo ni Rita Daniela ng acts of lasciviousness.
Ang daming tumatawag sa kanya ng ‘Archie Alemaniac.’
Kaya siguro tinanggal na muna niya ang comments section sa Instagram account niya.
Nanatili siyang tahimik, pero ang bigat daw nitong pinagdaanan niya sa ngayon at sana suportahan siya rito ng kanyang asawa.
Nakiusap din kaming hingan ng pahayag si Rita, pero ayaw raw muna niyang magpaunlak ng interview.
Kahit nung nag-file siya ng complaint sa Bacoor Prosecutor’s Office ay hindi siya nagpa-interview kaya ang legal counsel niyang si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang nagsalita para sa kanya.
Sabi kasi ni Atty. Maggie sobrang traumatic daw kasi kay Rita at nahirapan daw itong isalaysay sa kanya nung kinausap niya.
Kaya madalas daw niya itong kinakausap.
“She is not okay, but she has a family to raise and work to fulfill. Halos every day I talk to her even midnight para she has the courage to face the next day. She needs to look okay to the camera and be professional to her undertakings,” sabi ni Atty. Maggie sa amin.
Mahirap din daw itong ginawa niya, pero lumakas daw ang loob ni Rita dahil sa suporta ng pamilya at mga taong nagmamahal sa kanya.
Sen. Bong, pinayagan na ulit tumakbo, tumalon!
Nagsimula nang mag-taping si Sen. Bong Revilla para sa season 3 ng comedy-action niyang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Tinanong namin siya kung medyo bawas ba muna siya sa action dahil sa operasyon niya sa Achilles tendon.
“Kaya ko na mag-action. Puwede na,” pakli ni Sen. Bong.
Ilang buwan din kasi siyang nagpapa-rehab, at bago siya nagsimulang mag-taping ay tiniyak daw muna niya sa doktor na puwede na siyang tumakbo, tumalon at ‘yun mga dati niyang ginagawang action scenes.
Kasama pa rin ni Sen. Bong si Beauty Gonzalez siyempre at iba pang original cast. Pero wala na pala sina Kelvin Miranda at Kate Valdez. Nasa Sang’gre na kasi si Kelvin, at sa Shining Inheritance naman si Kate.
Wala naman daw nadagdag, pero sa pilot episode nila ay kasama nila sina Jillian Ward at Leo Martinez.
Hindi pa masabi kung tuluy-tuloy sila, dahil gusto naman talaga ni Sen. Bong na makasama muli si Jillian.
Magsisimula na ito sa December na papalit sa timeslot ng The Voice Kids.
- Latest